What's on TV

Ang katuparan sa pangarap ni Esperanza

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 26, 2020 2:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Albay bettor wins P25M prize to Superlotto 6/49 - PCSO
Farm to Table: (May 24, 2026) LIVE
Philippine Half Marathon Series 2026 boosts local sports tourism across six cities

Article Inside Page


Showbiz News



Tuluyan na kayang magbago ang kapalaran ni Esperanza ngayong magkasama na sila ng kanyang ama? Makakamit na kaya niya ang kaligayahan na kanyang inaasam?

Lumaki si Esperanza sa piling ng kanyang Tita Delia. Sa umpisa ay mabait ito sa kanya lalo na ng naging artista siya. Ngunit nagbago ang lahat nang magkaroon siya ng sakit sa balat – ang Porphyria.

Dahil hindi na pwedeng mag-artista, pinilit magtrabaho sa isang shoe factory si Esperanza ng kanyang Tita Delia.

Sa shoe factory, nakatagpo si Esperanza ng isang kaibigan sa katauhan ni Edwin, ang anak ng may-ari. Hindi nakakakita si Edwin kaya hindi siya natakot sa itsura ni Esperanza.

Naging malapit sina Edwin at Esperanza sa isa’t isa. Hinandog ni Edwin ang tulang Innamorata na ang ibig sabihin ay “My love”. Ibinigay din ni Edwin sa kanya ang pinakakaingatang music box para lagi siyang maalala nito.

Naabutan ni Lloyd, ang tatay ni Edwin, ang dalawa sa bodega ng shoe factory. Hindi nagustuhan nito ang namumuong relasyon ng dalawa. Nandiri si Lloyd sa sakit sa balat ni Esperanza. Pinatigil niya sa trabaho si Esperanza upang maputol ang pakikipagkaibigan nito kay Edwin.

Nang mawalan ng trabaho si Esperanza, pinalayas siya ni Delia sa kanilang bahay. Dahil walang mapuntahan, sumama si Esperanza sa nagpakilalang lawyer ng kanyang ama. Dinala siya nito sa isang malaking mansion.

Sa mansion, nakita niya na hindi siya nag-iisa sa sakit niyang Porphyria. Ang kanyang ama na si Leandro ay mayroon din nito at siya ay matagal nang ipinapahanap. Nadinig ng langit ang hiling ni Esperanza na matagpuan ang kanyang ama. Ngayon, magkasama na silang muli.

Tuluyan na kayang magbago ang kapalaran ni Esperanza? Makakamit na kaya niya ang kaligayahan na kanyang inaasam? Pagkatapos nilang magkita ng kanyang amang si Leandro, magkita na rin kaya sila ng kanyang inang si Claire?

Panoorin sina Max Collins, Luis Alandy, Jackie Rice, Dion Ignacio, Gwen Zamora, Michael de Mesa,Rita Avila, Pinky Amador, Leandro Baldemor at Juan Rodrigo sa Innamorata pagkatapos ng Villa Quintana sa GMA Afternoon Prime. Para sa updates, bumisita lagi sa www.gmanetwork.com. --Text by Eunicia Mediodia, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com.