
Sa June 21 episode ng Bihag, iaalok ni Reign (Sophie Albert) kay Amado (Neil Ryan Sese) ang isa sa kanyang mga bahay para maitago lang si Ethan (Raphael Landicho).
Makikipagkita si Jessie (Max Collins) kay Brylle (Jason Abalos) para ipaalam dito na buhay si Ethan at nasa mga kamay ito ni Amado.
Hindi paniniwalaan ni Brylle ang asawa hanggang mamataan niya ang kanilang anak malapit sa isang botika.
Panoorin ang highlights ng June 21 episode ng Bihag:
Tunghayan ang Bihag, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Dragon Lady sa GMA Afternoon Prime.