
Mapapanood ngayong April 3 ang bago at exciting na mga istoryang hatid ng Amazing Earth.
Ibibida ni Dingdong Dantes ang kuwento ng Fort Santiago. Babalikan ng Kapuso Primetime King ang mga nangyari sa lugar na ito para alamin kung bakit sinabing misteryoso ang lugar na ito.
Photo source: Amazing Earth
Bukod sa Fort Santiago, mapapanood rin ang kuwento ng isang pink na dalampasigan na siguradong patok ngayong summer. Tampok rin sa Linggong ito ang mga kuwento mula sa nature documentary na Nature's Biggest Beasts.
Abangan ang exciting na adventure na hatid ng Amazing Earth ngayong April 3, 5:20 p.m. sa GMA Network.