What's Hot

Ang life story ni Eva Castillo sa SRO

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated November 10, 2020 4:51 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Ambush suspect in death of 5 cops nabbed at GenSan airport
This stunning bamboo sanctuary in Cavite just made TIME's World's Greatest Places 2026 list
CDO exec alarmed by 14 tons of daily medical waste

Article Inside Page


Showbiz News



Naging emotional ang press launch ng 'SRO Cinemaserye presents The Eva Castillo Story'. Alamin kung bakit umiyak ang mga artista at dumalong press.
Naging madamdamin ang press conference na naganap noong Friday, July 17, 2009 sa GMA Network ng i-launch ang 'SRO Cinemaserye presents The Eva Castillo Story'. Alamin kung bakit hindi napigilang umiyak ng mga artista at press na dumalo sa event na ito. Text by Loretta G. Ramirez, Photos by Mitch S. Mauricio starsSimula sa July 23, ang touching story ni Eva Castillo ay mapapanood na natin sa pinaka bagong SRO Cinemaserye. First time ito na magfe-feature na isang biopic (biographical picture) sa serye at napili ng GMA na i-highlight ang madamdaming buhay ni Eva Castillo – ang kababata ng Asia's Songbird na si Ms. Regine Velasquez. Present sa launch si Ms. Manilyn Reyes and Glaiza de Castro who will both portray the character of Eva. And to show her support, dumalo din sa event si Ms. Regine Velasquez, who gave a touching message para sa kanyang kababata: "Natutuwa ako kay Eva dahil nandito na siya ngayon. 'O kita mo sabi ko sa 'yo, habang nabubuhay ka, hindi ka failure. Naniniwala ako na hindi ka magfa-fail unless you stop. So binigyan ka ni God ng second chance at talagang pinagbubutihan mo. I've been hearing good things about Eva since I got back from the States, so maraming salamat sa lahat ng tumutulong kay Eva". Idinagdag pa niya na masayang masaya siya dahil unti-unti niyang nakikitang nagbabago ang kanyang kaibigan at she's is very thankful dahil marami ang nagmamalasakit kay Eva. "Kapag mabuti kang tao, nabibigyan ka naman talaga ng pagkakataon. Siguro 'yung konting patience lang like in Eva's case matagal tagal lang ng konti pero dumating din naman sa kanya. I am really very happy that a lot of people are helping her, si Direk Louie (Ignacio) and of course ang GMA. Sila kasi talaga ang mga taong nagbigay ng pagkakataon kay Eva," ang madamdaming pahayag ni Regine. Sa pagkakataong ito, hindi na napigilan ni Eva na lumuha habang nagpapasalamat sa kanyang dating kababata at mga bagong kaibigan. stars"Si Regine po talagang unang angel na hulog po ni Lord, kung baga siya po 'yung ginamit ni Lord. Naiiyak na naman ako. Siya po ang ginamit ni Lord para mapunta po ako dito. Siguro po, kung hindi niya naisip na ipahanap ako, hindi ko po mararanasan ito," ang naiiyak na sabi ni Eva during the press conference. "At saka po kay Tatay Louie, sa GMA po at sa lahat po ng mga taong nararamdaman kong gusto ninyo ako tulungan, maraming maraming salamat po sa pagbibigay sa akin ng pagkakataon. Akala ko po noong magkita kami ni Regine sa Roots to Riches hanggang doon na lang po. Eh ngayon po, meron na akong The Eva Castillo Story. Salamat sa inyong lahat!" Panooring ang touching story ng singing sensation na minsang naging karibal ni Ms. Regine Velasquez sa SRO Cinemaserye presents The Eva Castillo Story. Directed by Jun Lana, simula na sa July 23, 2009 right after GMA's Telebabad block. Pagusapan ang bagong SRO sa iGMA forum.