
Isang bagong kuwento na naman ang tinutukan ng viewers sa 'Daig Kayo Ng Lola Ko' last Sunday at dinala ni Lola Goreng (Gloria Romero) ang mga manonood sa isang magical undersea kingdom!
Ang mahiwagang buhay ni Lola Goreng
Nakilala ninyo ang adventurous and bubbly mermaid princess na si Sofia (Sanya Lopez) na hangad na maranasan ang buhay ng mga taga-lupa.
Hanggang saan dadalhin si Sofia sa kagustuhan niya na mabuhay tulad ng isang normal na tao at sino ang mermaid na nakita niya sa isang kuweba na mahimbing na natutulog?
Panoorin ang mga eksena na tinutukan at pinusuan niyo sa 'Mermaid for Each Other' sa Daig Kayo Ng Lola Ko last February 9.