
Sa ikasampung na linggo ng Ang Lihim ni Annasandra, nagkaroon agad ng pagtatalo sina William (Mikael Daez) at Lorraine (Chris Viilonco) matapos ang kanilang kasal dahil sa muling pagkikita at pag-uusap ng una kay Annasandra (Andrea Torres).
Kahit mayroon nang bagong nagmamahal at ina si Annasandra, tila hindi pa rin siya masaya sa kanyang buhay.
Dahil sa labis na galit ni Lorraine, pinuntahan niya si Annasandra sa kinaroroonan nito at sinaktan. Hindi naman hinayaan ni Esmeralda (Rochelle Pangilinan) na mayroong nananakit kay Ananasandra kaya pinrotektahan niya ito.
Upang hindi na ituloy ni Enrico (Pancho Magno) ang binabalak niyang paghihiganti kay Lorraine, pinatawad na ni Annasandra ang una sa mga naging kasinungalingan nito.
Sa muling pagkikita nina William at Annnasandra, pinalaya na ng huli ang dati nitong minamahal para makapagsimula na ito ng bagong buhay kasama ang kanyang asawa. Dahil sa kagustuhan ni Lorraine na makaganti kay Annasandra, sinagasaan niya ito at dinala agad ni William ang dati niyang nobya sa ospital.
Inaral naman ni Enrico ang orasyon ng mga awok na magbibigkis sa kanila ni Annasandra dahil sa kagustuhan nito na maangkin ang huli. Habang nasa ospital, inilahad ni Becca kay William na hindi totoong kinasal sina Annasandra at Enrico.
Labis na galit ang naramdaman ni Esmeralda nang makita si William na kasama si Annasandra.
Dahil dito, napagdesisyunan ni Esmeralda na ikasal na sina Enrico at Annasandra. Nang tanungin naman ni Enrico si Annasandra kung handa na itong maging kabiyak siya, hindi ang naging sagot ng huli.
Patuloy na panoorin Ang Lihim ni Annasandra, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:15 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Samantala, balikan ng mga eksena sa Ang Lihim ni Annasandra dito.
Ang Lihim ni Annasandra: Annasandra clings into her past | Episode 48
Ang Lihim ni Annasandra: Feel Lorraine and Enrico's wrath! | Episode 49
Ang Lihim ni Annasandra: Annasandra sets William free | Episode 50
Ang Lihim ni Annasandra: Annasandra reveals the truth | Episode 51
Ang Lihim ni Annasandra: Forced wedding for Annasandra and Enrico | Episode 52