
Sa November 20 episode ng Magkaagaw, sumasagi pa rin sa isipan ni Jio (Jeric Gonzales) ang nangyari sa kanila ni Veron (Sheryl Cruz) kahit na nagkaayos na sila ng kanyang asawa.
Habang si Veron naman, gagamitin niya ang kanyang kapangyarihan sa negosyo upang pilitin si Jio na makipagsiping muli.
Tuluyan na nga bang nahulog ang loob niya para sa binata?
Panoorin ang episode highlights ng Magkaagaw:
Huwag palampasin ang mas umiinit na kuwento sa Magkaagaw, mula Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA Afternoon Prime.