
Nasa trending list ng YouTube ang teaser ng mga magaganap ngayong Linggo sa Apoy sa Langit.
Kaabang-abang ang mga tagpo sa Apoy sa Langit dahil mahuhuli na ni Gemma (Maricel Laxa) sina Cesar (Zoren Legaspi) at Stella (Lianne Valentin). Dahil dito, marami ang na-excite dahil lalabas na ang katotohanan sa mga ginawa nila kay Gemma pati na sa anak nitong si Ning (Mikee Quintos).
As of 5:30 p.m. ngayong July 25, nasa 10th place sa trending list ang teaser ng GMA Afternoon Prime drama. Nakakuha na rin ito ng halos 1 million views sa YouTube.
Photo source: YouTube
Photo source: YouTube
Abangan ang nakakapasong tagpo sa Apoy sa Langit, 2:30 p.m. pagkatapos ng Eat Bulaga.