GMA Logo Daig Kayo Ng Lola Ko teaser arctile on February 16 2020
What's on TV

Ang misyon ni Sofia sa mundo ng mga tao! | Teaser Ep. 146

By Aedrianne Acar
Published February 12, 2020 12:23 PM PHT
Updated February 16, 2020 3:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lalaki, patay sa bugbog ng ex-bf ng kaniyang kinakasama
Environmentalist sa Negros Oriental, Gipusil Patay | Balitang Bisdak
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

Daig Kayo Ng Lola Ko teaser arctile on February 16 2020


Sa 'Daig Kayo ng Lola Ko,' mapigilan kaya ni Sofia (Sanya Lopez) ang masamang plano ni Odessa (Maureen Larrazabal) laban sa mga tao?

Sa pagpapatuloy ng kuwento ng 'Mermaid for Each Other' ni Lola Goreng (Gloria Romero) this Sunday night, isang mapanganib na misyon ang gagawin ni Sofia (Sanya Lopez) para mailigtas ang mga tao.

LOOK: Sino ang mga Kapuso star na bibida sa magical underwater adventure ng 'Daig Kayo Ng Lola Ko?'

Dahil tutol siya sa plano nina Calypso (Patricia Javier) at Odessa (Maureen Larrazabal) na parusahan ang mga mortal sa pamamagitan ng pag-atake sa kanila gamit ang isang malaking tsunami, susubukan ni Sofia na balaan ang mga ito.

Gamit ang mahiwagang blue pearl ni Odessa, magta-transform siya bilang tao upang bigyan ng babala ang mga mortal.

May makinig kaya sa warning ng mermaid princess?

At sino ang guwapong engineer na si Liam (Gil Cuerva) na makikilala ni Sofia sa beach resort? Ano ang magiging papel niya sa buhay ng sirena?

Huwag bibitaw sa pinusuan ninyong magical undersea adventure sa Daig Kayo Ng Lola Ko tuwing Linggo ng gabi pagkatapos ng Amazing Earth at bago ang reality TV singing competition na Centerstage!