Article Inside Page
Showbiz News
Halo-halong emosyon ang naramdaman at nasaksihan sa pinaka inaabangang kasalan nina Senator Chiz Escudero at ngayong Heart Evangelista-Escudero.
By CHERRY SUN
Halo-halong emosyon ang naramdaman at nasaksihan sa pinaka inaabangang kasalan nina Senator Chiz Escudero at ngayong Heart Evangelista-Escudero.
Sa panayam ng Weddings TV sa kanilang host at Kapuso bride bago ang kanilang big day, magkahalong excitement at kaba raw ang nararamdaman ni Heart.
Aniya, “May halong kaba kasi ang iniisip ko nga parang dapat feeling ko, ‘think taping ‘to’ para 'di ako maiyak or ma-compose ko ‘yung sarili ko. Pero parang nawawala ‘yung pagkaartista ko.”
“I don’t know how I feel but I do know that I’m very excited, very happy and I’m very hopeful. But at the end of the day, kung umulan eh di mabasa na kaming lahat,” dugtong niya.
Very solemn naman ang naging seremonya ng kanilang kasal, habang pansin naman ang romantic at funny side ng newly-weds sa kanilang personal wedding vows.
Mensahe ng aktres kay Chiz, “From the restlessness of my youth to the calming of my heart, thank you for being my serenity and my home.”
“I promise from today and forever, you will no longer walk alone,” sambit din niya.
Tila pabirong tugon naman ng senador, “Napapatunayan ko na mahal mo talaga ako tuwing sinasabi mong gwapo ako, kasi ‘yung nagmamahal lang talaga sa akin ang makakapagsabi nito.”
“I promise to love only you and you only as I grow old…er,” dugtong ni Chiz.
Read: Congratulations and best wishes to the newly-weds, Mr. and Mrs. Escudero!
Naging personal din ang naging pagbati nina Chiz at Heart sa lahat ng kanilang panauhin sa reception. Puno ng halakhakan ang programa habang nagpamalas ng galing sa kanta ang ilan sa kanilang showbiz friends.
Read: Mr. and Mrs. Escudero celebrate the beginning of married life with family and friends
Gayunpaman, may ilang tagpo pa rin ang umantig sa damdamin nila at ng mga bisita.
Kabilang dito ay nang magbigay ng mensahe ang ate ni Heart. Pahayag nito, “I know we aren’t complete tonight but with the help of God’s grace I know someday we will be. Chiz, welcome to the family. Thank you for loving and taking care of our baby.”
Ang dalawang bakanteng upuan sa presidential table ay nakalaan sana sa magulang ng Kapuso bride na hindi dumalo sa kanilang kasal. Ngunit bago pa man magtapos ang gabi ay binasa ng pinsan ni Heart ang isang
mensahe mula sa kanyang ama.
Dumaan man sa matinding pagsubok ang pag-iibigan nina Chiz at Heart ay sulit naman daw ito dahil sa kasiyahang nararamdaman nila ngayon.
Ani Mrs. Escudero, “Thank you, God. Thank you, God for every little thing about today. Kahit ‘yung weather.. Talagang binigay niya sa amin itong araw na ito, so thank you, God.”