What's Hot

Ang pag-ibig ni Whang Od ngayong Sabado sa 'Wagas'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 21, 2020 10:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Pascal Siakam's 36-10 double-double powers Pacers past Bulls
Lea Salonga, Rachelle Ann Go part of 'Les Misérables' in Manila
#WilmaPH remains almost stationary over waters of E. Samar

Article Inside Page


Showbiz News



Kilalanin ang tinaguriang "huling mambabatok ng Kalinga" at ang kuwento ng kanyang wagas na pag-big.


 


Ngayong darating na Sabado, abangan ang ikatlong malaking istorya sa ikatlong taong anibersaryo ng Wagas --- ito ang ekslusibong  kwento ng pag-ibig ni Whang Od, ang tinaguriang "Huling Mambabatok ng Kalinga."           

Sa  gitna ng patuloy na deliberasyon  kung idideklara siya bilang isang National Artist, ikinuwento ng 95-year-old World Renowned Tattoo Artist na si Whang Od ang kanyang "One Great Love" sa kauna-unahang pagkakataon sa telebisyon.  Puno ng tattoo ang buong katawan ni Whang Od maliban sa isang espasyo sa kanyang kanang braso na inilaan niya sana para ibatok ang pangalan ng nag-iisang lalaking kanyang minahal.  Isang natatanging pagganap ang matutunghayan kina Janine Gutierrez, Rocco Nacino, at Stephaniel Sol sa obrang likha ni Rember Gelera.

Ang mga batok o "tattoo" ay simbolo ng kagandahan sa kanilang lahi at sa dami ng batok ni Whang Od (Janine Gutierrez) marami ang nabighani sa kanya. Isa rito si Ang-Batang (Rocco Nacino), isang makisig na mandirigma. Matapos ang unang digmaang nilabanan ni Ang-Batang si Whang Od mismo ang nagbatok sa kanya bilang simbolo ng tagumpay. Hindi nagtagal, naging magkasintahan sina Whang Od at Ang-Batang pero dahil hindi puro ang lahi ni Whang Od tinutulan ng marami ang kanilang pag-iibigan. Inilihim ng dalawa ang kanilang relasyon at tanging ang  pinakamatalik na kaibigan ni Whang Od na si Hogkajon (Stephaine Sol) ang nakakaalam  nito. Pero tila biniro sila ng tadhana, kahit pa sila ang tunay na nagmamahalan. Iniutos  na ipakasal si Ang-Batang hindi kay Whang Od kundi kay Hogkajon. Nabasag ang mundo ni Whang Od at  lalo pang nadurog ang kanyang puso nang sa isa sa mga labanan,  napuruhan si Ang-Batang, ang nag iisang lalaking tangi niyang minahal.

Dumayo ang Wagas sa Mountain Province para kunan ng makatotohanan ang buong kwento bilang pagdiriwang pa  rin ng ikatlong anibersaryo ng programa. Abangan ang unang bahagi sa Pag-Ibig ni Whang Od ngayong Sadado, March 5  2016, 7 P.M. sa Wagas sa GMANewsTV!