What's Hot

Ang pagbabago ni Orang

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 27, 2020 6:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2025 SEA Games: Gilas Women dethrone Indonesia, reach gold medal match
3 positive during drug test at terminal in Davao City
Angel Guardian and Kelvin Miranda front local lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News



Masaya si Carla Abellana sa takbo ngayon ng ‘ Mars Ravelo's Basahang Ginto’. Anu-ano kaya ang maaasahan ng mga manonood ngayong nagbabagong-anyo at
Masaya si Carla Abellana sa takbo ngayon ng ‘Mars Ravelo's Basahang Ginto’. Anu-ano kaya ang maaasahan ng mga manonood ngayong nagbabagong-anyo at kilos na si Orang? starsHindi inasahan ni Carla Abellana ang success na tinatamasa ngayon ng kaniyang show na Mars Ravelo's Basahang Ginto. Ngunit isa itong very welcome na success para sa aktres. “Hindi namin ine-expect na aabot ng gano’n ang Basahang Ginto,” kuwento ni Carla about the high ratings ng show. “Consistent na siya and I’m very happy for the very positive feedback that we get from people.” Ipinagpapasalamat din ni Carla ang positive feedback sa kanyang acting skills. Isa sa mga binibigyan niya ng credit para dito ay ang kanilang direktor na si Direk Joel Lamangan, na unang beses niyang makatrabaho sa project na ito. “Kasi na-challenge talaga ako sa role,” she explains. “And in the first place, we have a very good director in Direk Joel Lamangan, so hindi naman sa inaasa namin lahat sa kanya, but kailangan naming mag-step up para ma-meet namin yung expectations ni Direk Joel and everybody else.” Ngunit inamin ni Carla na nahirapan talaga siya sa pagganap niya bilang si Orang. “Nahirapan talaga ako. Nangapa pa ako nung first few weeks,” she reveals. “Pero ngayon, okay na, especially since at this point of the show, nagta-transform na si Orang, so at least ‘di na kasimbigat ng before.” Kahit naman daw nahirapan si Carla sa pagganap niya sa role ni Orang ay natutuwa naman siya dito. “Nae-enjoy ko siya kasi sobrang nakakatawa that though she’s in such a bad condition because of her family and all, nakakatawa lang yung galaw niya, yung kilos niya. Napaka-inosente niya pero marunong siyang lumaban,” says Carla. “Hindi siya basta-basta na nagpapaapi, unlike the characters I’ve had before na aping-api, kawawa, eto hindi, palaban talaga, so yun yung different.” Ano naman ang maaasahan ng mga audience ngayong unti-unti nang nagbabago si Orang? “Yung big transformation ni Orang,” paglalahad ni Carla. “Kasi anlaki ng transformation, nag-iba siya pati yung pananalita niya, hindi lang yung kilos at pananamit itsura kundi pati yung pananalita niya. Everything in how confident she is, how poised she is, sobrang laking transformation talaga. And of course, kung ano yung mangyayari sa kanila ni Danny, kung merong mangyayari sa kanila ni Danny, because of the transformation.” Nagbigay din ng kaunting hint si Carla tungkol sa character ni Ms. Celia Rodriguez na si Donya Marina. “May puso pa rin naman si Donya Marina kahit na on the outside, she’s the contrabida in the story. Yun ang maganda dun.” Patuloy na manood ng Mars Ravelo's Basahang Ginto weekdays on GMA’s Dramarama sa Hapon. Pag-usapan si Carla sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here! Get in touch with Carla. Just text CARLA (space) ON and send to 4627 for all networks. For MMS wallpapers, text GOMMS (space) CARLA (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.