
Nagsimula na ang pagpapalabas ng all-new episodes ng GMA primetime series na Love Of My Life.
Sa episode nito noong Miyerkules, February 3, minabuting bumalik ni Adelle (Carla Abellana) sa mansyon matapos mapaginipan si Stefano (Tom Rodriguez).
Pinaniniwalaan ni Adelle na ipinapahiwatig nito na kailangan niyang tuparin ang kanyang pangako sa namayapang asawa na alagaan ang kanyang biyenang si Isabella (Coney Reyes) lalo pa at nalaman niyang malungkot ito matapos umalis ni (Nikolai) sa mansyon.
Sa halip na matuwa si Kelly (Rhian Ramos) sa muling pagbabalik ni Adelle, walang pagpigil niyang sinisi ang huli sa naging desisyon ni Nikolai na umalis sa mansyon ng mga Gonzales.
Samantala, tuluyang nabagabag si Adelle ng kanyang konsensya kaya nagdesisyon siyang magtungo sa lugar ni Nikolai para ayusin ang gusot nilang dalawa.
Unang umere sa telebisyon ang Love Of My Life noong February 2020. Matapos ang isang buwan, nahinto ang pagpapalabas ng serye dahil natigil ang produksyon nito sanhi ng enhanced community quarantine.
Nakabalik ang Love Of My Life noong December 2020 sa telebisyon matapos sumailalim ng cast, staff, at crew nito sa lock-in taping na tumagal nang ilang linggo. Narito ang ilang larawan mula sa kanilang closed group shoot:
Bilang refresher, muling ipinalabas ang mga dating episodes Love Of My Life sa loob ng 15 araw.
Ipinalabas naman ang all-new episodes ng primetime series simula noong January 18.
Patuloy na subaybayan ang Love Of My Life Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Anak ni Waray vs Anak ni Biday sa GMA Telebabad.
Sa mga nais balikan ang full episodes ng serye, maaaring mapanood ang Love Of My Life at ibang Kapuso series sa GMANetwork.com o GMA Network app.
Ang Love Of My Life ay pinagbibidahan nina Carla Abellana, Rhian Ramos, Mikael Daez, at Ms. Coney Reyes.