What's Hot

Ang pagbabalik ni Captain Barbell

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated April 10, 2020 3:14 AM PHT

Around GMA

Around GMA

GMA Kapuso Foundation builds four new classrooms in Bohol this year
Balitang Bisdak: December 15, 2025 [HD]
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News



Richard shares the latest updates on the return of ‘Captain Barbell’. Anu-ano kaya ang maaasahan ng mga manonood dito?
Richard shares the latest updates on the return of ‘Captain Barbell’. Anu-ano kaya ang maaasahan ng mga manonood dito? Text by Karen de Castro. Photo by Mitch Mauricio. stars Kasalukuyan mang napapanood si Richard Gutierrez sa Survivor Philippines Celebrity Showdown at sa Anatomy of a Disaster ngayon ay hinahanap pa rin ng kanyang mga fans ang kanyang pagbabalik sa mundo ng mga teleserye. Kaya naman hindi na kataka-taka na palagi siyang tinatanong tungkol sa kanyang upcoming project, ang pagbabalik ni Captain Barbell. Noong nakaraang live chat ni Richard with iGMA last October 28 ay nagbigay siya ng updates tungkol sa Captain Barbell. Kailan nga ba mapapanood ng mga fans ang muling paglipad ng kilalang Pinoy superhero na minsan na niyang ginanapan? “Well, Captain Barbell is going to be a big, big project next year for GMA and for me,” revealed Richard. “Ngayon pa lang talagang pinaghahandaan na namin iyan. We’re doing a lot of pre-production meetings. Alam naman natin na naging successful yung unang Captain Barbell, kaya this time around, we want to outdo ourselves, gusto naming mahigitan pa.” Anu-anong mga paghahanda na ba ang kanilang nagagawa so far para sa bagong Captain Barbell? “What we’re working on now is yung kuwento ng Captain Barbell, kung ano yung bagong kuwento, kung ano yung mas makaka-excite sa mga tao and of course, at the same time, ipu-push din namin yung technology dahil it was four, five years ago,” kuwento niya. “Marami nang advancement sa technology now. So abangan niyo rin yung mga exciting na bagong technology na idadagdag namin sa Captain Barbell. It’s going to be a really, really good show next year.” Ayon naman kay Richard, wala pang napipiling gumanap bilang leading lady niya because they are still in the process of developing the characters very well, ngunit siguradong aabangan ng mga fans ang kanilang pipiliing maging leading lady para sa Captain Barbell. Abangan ang muling pagbabalik ni Captain Barbell ngayong 2011 on GMA. In the meantime, patuloy na panoorin si Richard sa Survivor Philippines Celebrity Showdown weeknights after 24 Oras on GMA. Pag-usapan si Richard sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here! Get the latest updates on Richard. Just text RICHARD (space) ON and send to 4627 for all networks. For MMS wallpaper, text GOMMS (space) RICHARD (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.