Article Inside Page
Showbiz News
Richard shares kung anu-ano ang aabangan ng mga fans sa pagbabalik ni Mars Ravelo’s Captain Barbell sa telebisyon.
Richard shares kung anu-ano ang aabangan ng mga fans sa pagbabalik ni Mars Ravelo’s Captain Barbell sa telebisyon. Text by Karen de Castro. Photo by Connie M. Tungul.

Ngayong March ay magaganap na ang pinakaaabangang pagbabalik ng isa sa mga pinakakilalang superheroes in Philippine television, Mars Ravelo’s
Captain Barbell. Matapos ng mahabang paghihintay ng mga manonood ay muli na namang mapapanood si Richard Gutierrez as the iconic Filipino superhero na minahal at sinubaybayan ng lahat.
“Tuloy-tuloy na nga. Actually malapit na ngang umere ang
Captain Barbell, so we’re kind of pressed for time. Pero very exciting, we’ve been working very hard. Kahit medyo may mga delays na konti, pero alam namin na we’re gonna push through, we’re gonna make it, and nakka-excite kasi ang ganda ng kuwento,” he shares.
Dagdag pa niya, mala-pelikula ang aabangan ng mga manonood this time around. “ Ang galing ng mga writers namin, ginawa nilang parang pelikula talaga, and it’s all up to us to execute that. So far naman, so good. Nakita ko na yung mga special effects, napakaganda, and basta exciting siya, napakaganda ng kuwento.”
Ano nga ba ang pinagkaiba ng bagong
Captain Barbell sa nauna nang run nito?
“Big difference, big difference in terms of yung kuwento, yung maturity nung kuwento. Dati kasi high school-based si Teng, at yung kuwento niya, very pang-teenager. Ngayon talaga medyo nag-mature na yung character ni Teng, kung saan siya napunta after so many years, kung anong nangyari sa kanila ni Lea, at kung nasaan yung puso ngayon ni Teng bilang Captain Barbell – kung tatanggapin ba niya yung pagiging Captain Barbell niya o hindi.Marami talagang hinaharap si Teng ngayon, so yung kuwento namin, malawak na malawak.”
And this time around, Richard says hindi nag-iisa si Captain Barbell na magtatanggol sa mga naaapi. “At ngayon, first time din nilang makikita yung ibang superheroes. May mga superheroes na makakasama rin si Teng. Iba’t-ibang klase ding supervillainss ang dinevelop ng mga writers namin, so very exciting.”
But if there’s one change na agad mapapansin ng mga manonood sa pagsisimula ng show na ito, this would be Captain Barbell’s costume. "Iniba namin 'yung design, iniba namin 'yung color, medyo mas modern na 'yung design na niya ngayon. And we want to thank the Ravelos kasi open-minded sila, and pumayag sila to change the color and the design so it comes with the times, parang very modern na 'yung suit niya.”
Abangan ang muling paglipad ni Mars Ravelo’s
Captain Barbell ngayong Marso dito lamang sa GMA.
Pag-usapan si Richard sa mas pinagandang
iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!
Get the latest updates on Richard.
Just type RICHARD (space) ON and send to 4627 for all networks. For MMS wallpapers,
text GOMMS (space) RICHARD (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.