What's Hot

Ang pagbabalik ni Valentina

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated November 10, 2020 9:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - DOH on holiday health and emergency preparedness (Dec. 22, 2025) | GMA Integrated News
Cops foil delivery of suspected shabu, explosives in Ozamiz
Puto bumbong-inspired drink this Christmas

Article Inside Page


Showbiz News



Ngayong patay na si Valentina, inaabangan na ng tao kung paano babalik ang pinaka makamandag na kaaway ni Darna.
Sa ikalawang linggo ng 'Darna' nasaksihan natin ang mga maaksyon at nakakabagbag-damdaming tagpo kung saan namatay ang matalik na kaibigan ni Narda na si Valentina. Text by Erick Mataverde. Photos by Mitch S. Mauricio and courtesy of GMA Network. stars For Iwa Moto's Valentina in the series, ang pagkakaibigan ng kanyang character with Darna ay isa sa mga nakakadagdag ng lalim sa panibagong istorya nito. "Ibang klase ang pagkakaibigan talaga si Narda at si Valentina, iba talaga ang friendship nila. Pero ang sabi nila 'di ba? Na ang worse na makakalaban mo is 'yung iyong best friend – so ako ang magiging worst enemy ni Darna," hinted Iwa when iGMA.tv visited on the set. Kung aabangan ng lahat ay ang pagbabalik ni Valentina bilang ganap at mortal na kaaway ni Darna, ang challenge nito ay kung papaano ipapakita ito sa mga manonood. At hindi lamang ang mga sumusubaybay ang naghahanda para dito. Inamin ni Iwa na ngayon pa lamang pinaguusapan na nila kung papaano nila ipapakita ang engkuwentro nila ni Darna. "Wala pa kaming fight scene ni Darna, pero as early as now nag-iisip kami kung anong kinds of fight scenes. Like ako, I tried kick boxing, nag Muay Thai ako before, pero gusto namin may ibang atake kasi ahas ako eh," Iwa disclosed. "Marami kaming kino-consider, kasi nga gusto nila iba ang fight stance ni Valentina kesa kay Darna. Mahirap 'yun, pero okey lang gagawin ko pa rin." At hindi lang naman sa fight scenes nagpre-prepare ang ating tampok na kontrabida, pati din siyempre sa kanyang acting. She admits na marami pa naman siyang kailangang i-improve. stars"Nag-workshop din ako kay Direk Mac (Alejandre) – one-on-one [ang mga] ito, for the part of Valentina. Kung alam mo lang 'yung pressure. Like Direk Mac is my friend, sobrang close kami. Kaya lang siyempre iba siya kapag trabaho na ang pinagusapan," Iwa recalled. "Kaya feeling ko ready ako nang isinalang ako rito. Pero siyempre gusto ko pang mag-improve." "Supposedly Babaeng Linta ako [before], kung ako pa rin si Babaeng Linta until now, sa Darna pa rin ako focused. Dahil nga kailangan namin pagandahin ang lahat para sa mga viewers," Iwa further revealed. "To the point na three days kami walang tulugan. Siyempre hindi mo naman puwede i-explain sa mga tao na, 'Ay puyat ako nun kaya ganyan ang arte ko!'. Hindi naman pupuwede. Kailangan talaga full-blast [at] concentrate[d] talaga." And what does Iwa think she can further do to spark more interest sa high ratings ng show nila ni Marian Rivera? "Feeling ko meron pa talagang ilalabas si Valentina, at siyempre naninibago ako," answered Iwa. "Si Yan-yan (her affectation for Marian), second namin magkatrabaho, first time [sa]Super Twins, pero doon, hindi naman kami masyadong nagkasama. This time its different, its [really] different." Pag-usapan ang pagbabalik ni Iwa sa Darna! Mag-log on na sa mas pinagandang iGMAForums! Not yet a member? Register here! Kamustahin si Iwa via Fanatxt! Text IWA [Your Message] and send to 4627 for all networks. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.