
Sa episode ng Inagaw Na Bituin noong Martes, February 12, nakitang unti-unti nang nakakamit ni Belinda (Sunshine Dizon) ang kanyang mga pangarap sa tulong ni Eduard (Marvin Agustin).
Natapos na ang unang recording ni Belinda. Nag-propose sa kaniya si Eduard at sila ay ikinasal. Samantala, inaabuso ni Wolfgang (Ramon Christopher) si Lucy (Angelika dela Cruz) at palalayasin ito. Kaya naman, magmamakaawa si Lucy na muling tanggapin ng kaniyang kapatid at ina.
Pero paano kung sa pagbabalik ni Lucy, may mangyari sa pagitan nila ni Eduard?
Panoorin sa episode na ito ng Inagaw Na Bituin:
Tutok lang sa Inagaw Na Bituin sa GMA Afternoon Prime.