Nagsama-sama dito ang ilang malalaking pangalan sa larangan ng pulitika, showbiz pati na rin sa negosyo.
Kabilang sa mga bisita si GMA Chairman and CEO, Atty. Felipe Gozon at ang kanyang maybahay na si Mrs. Teresa Gozon.
"I wish them a very long and happy life together," pahayag ni Atty. Gozon para sa mga bagong kasal.
Hindi naman nakarating sa reception ang best man ni Senator Chiz na si Pangulong Noynoy Aquino dahil ito ay nasa Camp Krame para makausap ang mga pamilyang naulila ng SAF 44.
Nakarating naman sa reception sina Senate President Franklin Drilon, Senator Grace Poe at Senator Tito Sotto na kasama ang kanyang maybahay na si Helen Gamboa.
Naroon din si Representative Lani Mercado at Former Manila Mayor Alfredo Lim.
Nasa reception din ang negosyanteng si Antonio "Tony Boy" Cojuangco at ang aktres na si Gretchen Barretto, pati ang luxury car importer at dealer na si Felix Ang at ang kanyang asawang si Grace.
A photo posted by Gretchen Barretto (@gretchenbarretto) on
Dumalo din sina Tessa Prieto-Valdes, Audrey Zubiri, Chris Tiu at Tim Yap sa reception.
Spotted din sa event ang mga actor at actress mula sa iba't ibang TV networks katulad nina Kim Chui, Iza Calzado, Lovi Poe, Rocco Nacino at JC Tiuseco.
A photo posted by Lourdes Virginia M. Poe (@poevirginia) on
Dahil sa request ni Heart na maging mala-concert ang kanyang wedding reception, ilang mga tanyag na performers din ang nagpaunlak sa kanya. Umawit sa reception sina Jaya, Gary Valenciano, Christian Bautista at ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez-Alcasid.
Nag-perform din ang ilang Kapuso singers na sina Julie Anne San Jose, Jonalyn Viray, Kris Lawrence, Aicelle Santos, Frencheska Farr at Maricris Garcia.