Article Inside Page
Showbiz News
It's a new chapter for Claudine Barretto as she embarks on her journey bilang isang certified Kapuso on April 10 sa kanyang self-titled weekly drama anthology.
It's a new chapter for Claudine Barretto as she embarks on her journey bilang isang certified Kapuso on April 10, sa kanyang highly-anticipated self-titled weekly drama anthology. Photo provided by GMA Network.

Matagal nang hinihintay ng mga fans ni Claudine Barretto ang kanyang pagbabalik sa Phiippine television, at finally, matutupad na ito. Ngayong Sabado, April 10 na ipapalabas ang pilot episode ng kanyang kauna-unahang project na pagbibidahan niya sa GMA, ang drama anthology entitled
Claudine.
Sa
Claudine ay ipapakita ng tinaguriang Queen of Television Drama ang kanyang galing sa pag-arte. Kanyang gagampanan ang iba’t-ibang roles na magpapakita ng sari-saring mukha ng drama.
From real-life women to characters na isinulat para lamang sa kanya ay gagamitin niya ang kanyang kalinangan sa pag-arte para bigyang buhay ang mga ito.
Sa pilot episode ng
Claudine na pinamagatang “Alzheimer’s”, gagampanan ng aktres ang role ni Susan. Pilit niyang itataguyod nang mag-isa ang kanilang pamilya habang ang kanyang asawa ay unti-unti nang nakakalimot dahil sa sakit na Alzheimer’s.
Excited si Claudine dahil ito ang first time na magkasama sila ng kanyang real-life partner na si Raymart Santiago na gaganap bilang asawa niya sa episode.
With the direction of highly-acclaimed director Laurice Guillen, siguradong kaabang-abang ang unang dramang bibigyang buhay ni Claudine ngayong Sabado. At sa mga susunod pang linggo ay maaasahan ng mga manonood na bibigyang-buhay ni Claudine ang mas marami pang mga istoryang aantig sa kanilang puso.
Tunghayan ang kauna-unahang project ni Claudine bilang isang certified Kapuso starting today, April 10, as
Claudine begins to change the face of Philippine television drama. Ipapalabas ang
Claudine every Saturday pagkatapos ng Pinoy Records only on GMA.
Ano ang inaasahan mong mapanood sa
Claudine? Pag-usapan sa mas pinagandang
iGMA Forum! Not yet a member? Register here!