GMA Logo Ang Pamilyang Hindi Lumuluha in I heart movies channel
What's on TV

'Ang Pamilyang Hindi Lumuluha' starring Sharon Cuneta, tampok sa I Heart Movies

By Marah Ruiz
Published September 1, 2025 1:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Protesters rally in Denmark and Greenland against Trump annexation threat
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

Ang Pamilyang Hindi Lumuluha in I heart movies channel


Isa ang 'Ang Pamilyang Hindi Lumuluha,' starring Sharon Cuneta, sa mga pelikulang mapapanood sa I Heart Movies ngayong linggo.

Mapapanood si Megastar Sharon Cuneta ngayong linggo sa digital channel na I Heart Movies.

Tunghayan ang kanyang first ever Cinemalaya film na Ang Pamilyang Hindi Lumuluha.

Gaganap siya rito bilang Cora, babaeng nalulong sa alak matapos abandonahin ng kanyang pamilya.

Dahil gusto niyang mabuo muli ang kanilang pamilya, hahanapin niya ang tinaguriang "pamilyang hindi lumuluha."

Pinaniniwalaan kasi sa kanilang lugar na kapag tumuloy ang isang miyembro nito sa iyong tahanan, may magbabalik na miyembro mula sa sarili mong pamilya.

Mabubuo kaya ang pamilya ni Cora?

Abangan sa Ang Pamilyang Hindi Lumuluha, September 3, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Tungkol din sa paghahanap sa pamilya ang action-packed indie film na Tupang Ligaw na pagbibidahan ni Matteo Guidicelli.

Gumanap siya rito bilang dating miyembro ng army na naghahanap sa kanyang nawawalang kapatid.

Anong panganib ang haharapin niya sa pagdating niya sa barrio kung saan huling namataan ang kanyang kapatid?

Abangan ang Tupang Ligaw, September 6, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.