
Sa pagpapatuloy ng kuwento ng My Fantastic Pag-ibig: Invisiboi, si Buboi (Dave Duque) ay magkakaroon ng problema sa kaniyang invisibility power.
Photo source: My Fantastic Pag-ibig: Invisiboi
Bukod sa problema sa kaniyang power, darating din sa kanilang lugar ang sorpresang bisita ni Professor Z (Lou Veloso) na si Dra. Damon (Dang Cruz). Siya ang magko-control kay Diego (James Teng) para makuha si Buboi.
Dahil kay Dra. Damon at Diego, malalagay sa alanganin si Buboi pati na rin si Thea (Elle Villanueva). Malagpasan kaya nilang dalawa ang pagsubok na ito?
Abangan ang susunod na mangyayari sa My Fantastic Pag-ibig: Invisiboi ngayong Sabado sa GTV.
WATCH: Binatang nakatanggap ng invisibility power, bumida sa 'My Fantastic Pag-ibig: Invisiboi'