GMA Logo Ang Pangarap Kong Holdap in I Heart Movies digital channel
What's on TV

'Ang Pangarap Kong Holdap' starring Paolo Contis, mapapanood sa I Heart Movies

By Marah Ruiz
Published January 2, 2025 7:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

P1.224-M worth of illegal firecrackers seized ahead of New Year revelry – PNP
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Ang Pangarap Kong Holdap in I Heart Movies digital channel


Isa ang pelikula ni Paolo Contis na 'Ang Pangarap Kong Holdap' sa mga mapapanood sa I Heart Movies ngayong linggo.

Inspiring films ang hatid ng digital channel na I Heart Movies sa unang linggo ng bagong taon.

Isa na riyan ang comedy heist film na Ang Pangarap Kong Holdap na pinagbidahan nina Paolo Contis, Pepe Herrera, Jerald Napoles, at Nelson Bay.

Tungkol ito sa isang grupo ng mga mandurukot na nangangarap maging pinaka notorious sa kanilang lugar. Kaya lang, sadyang hindi sila biniyayaan ng liksi at talino kaya laging nauuwi sa kapalpakan ang mga pakana nila.

Mabubuo kaya nila ang pinaplano nilang pasabog na holdap para maisalba ang kanilang reputasyon?

Abangan 'yan sa Ang Pangarap Kong Holdap, January 4, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Huwag din palampasin ang war drama film na Mindanao na mula sa award-winning director na si Brillante Mendoza at pinagbidahan nina Judy Ann Santos at Allen Dizon.

Kuwento ito ng isang babaeng Muslim na nag-aalaga ng anak niyang may cancer habang hinihintay ang pagbabalik ng asawa niyang combat medic na lumalaban sa mga rebelde sa Mindanao.

Dahil sa kanyang pagganap sa pelikula, pinarangalan si Judy Ann Santos bilang Best Actress, habang iginawad naman kay Direk Brillante Mendoza ang Henry Barakat Award for Best Artistic Contribution sa 41st Cairo International Film Festival noong 2019.

Humakot din ito ng mga parangal sa 45th Metro Manila Film Festival kabilang ang Best Picture, Best Director, at marami pang iba.

Tunghayan ang Mindanao, January 2, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.