What's Hot

Ang pangungulila ni Cesar Montano

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 26, 2020 4:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

P97-M worth of smuggled cigarettes dug up in Maguindanao del Norte – PNP
Farm to Table: (January 11, 2026) LIVE
Manifest success in 2026 with these 5 Gemini prompts

Article Inside Page


Showbiz News



Mas nadarama ni Cesar ang pagkawala ng kanyang anak ngayong malapit na ang Pasko, but a part of Angelo continues to live on.
Mas nadarama ni Cesar ang pagkawala ng kanyang anak ngayong malapit na ang Pasko, but a part of Angelo continues to live on and Cesar shares the story. Text by Karen de Castro. Photo courtesy of GMA Network. stars Naging mahirap para kay Cesar Montano ang pagpanaw ng kanyang anak na si Angelo noong nakaraang Marso, at aminado ito na sa kabila ng kanyang pagiging busy sa Ilumina ay mahirap pa rin para sa kanya ang pagtanggap sa pagkawala nito, lalo na ngayong magpapasko. “Mahirap kalimutan, kasi naging barkada ko e,” said Cesar sa isang recent interview with Chika Minute sa 24 Oras. “Naging kasama ko sa lahat ng bagay. Sa pagtatravel, sa kasiyahan, sa kaguluhan, sa kantahan, sa lahat ng bagay, nakasama ko si Angelo.” Not too long ago ay nagkuwento si Cesar tungkol sa isang naging magandang pangyayari na naging daan para patuloy na mabuhay ang isang parte ni Angelo, at isa ito sa kanyang mga pinanghahawakan ngayon. “Merong certain na Mrs. Gaston na nawalan ng paningin, at hindi na makapagturo. And she lost her life, practically, wala nang paningin e. At sinabi sa akin nakapagpaopera ‘to, napalitan ng cornea ang kanyang mata, nakakita ulit, at doon maipagpapatuloy niya ang kanyang pagtuturo sa pagsasayaw, sa mga kabataan at maipagpapatuloy niya ang kanyang buhay ng maayos. At ang sumave sa kanya ay ang cornea ni Angelo,” kanyang kuwento. Dagdag pa niya, “At least kahit na hindi na si Angelo yun, alam kong yung matang gamit niya, nandoon pa rin. Matititigan pa rin ako ni Angelo, and I’m so happy,” I know it’s a big loss for me, pero somebody gained something from Angelo’s loss.” Naging consolation ang pangyayari na ito para kay Cesar. “Totoo, lumuwag yung pakiramdam ko. Kasi lahat naman, may purpose tayo dito. Siguro yun yung purpose ni Angelo,” paglalahad niya. “Mahirap mawala ka sa mundong ito ng walang purpose man lang. So si Angelo, nawala siya, ito yung isa sa mga purposes niya.” Samantala, ang tanging nagiging lakas ni Cesar ngayon ay hinuhugot niya sa dasal. “Yun lang ang lakas namin e. Without the prayer, we wouldn’t know what to do,” pag-amin niya. Pag-usapan si Cesar sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!