GMA Logo Encantandia Ep 44
What's on TV

Ang pekeng anak ni Amihan | Encantadia Ep. 44

By Felix Ilaya
Published May 22, 2020 12:27 PM PHT
Updated May 22, 2020 6:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD warns vs fake online surveys promising rewards from DSWD
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Encantandia Ep 44


Balikan ang mga nangyari sa rerun ng 'Encantadia' nitong Huwebes, May 21.

Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.

Sa May 21 (Huwebes) episode nito, isinumpa ni Amihan (Kylie Padilla) ang lahat ng Hathor na mawalan ng hininga upang hindi nila masakop ang kaharian ng Lireo. Laking gulat na lang ni Amihan na pati ang "anak" niyang si Lira (Kate Valdez) ay naapektuhan ng kaniyang sumpa.

Dito na mabubunyag ang tungkol sa tunay na katauhan ni Lira, na hindi siya ang tunay na anak ni Amihan bagkus anak ni Pirena (Glaiza De Castro)!

Muling balikan ang full-episode ng Encantadia dito:

'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.