
Tumitindi ang pagsubok sa mga apo ni Reyna Lola (Gloria Romero) sa pagpapatuloy ng magical adventure nina Princess, Prince at Prinsesita para iligtas ang Enchanted Queendom sa Daig Kayo Ng Lola Ko.
Matapos mapunta sa mundo ng mga tao si Prince (David Remo), susubukan niyang bumalik para makapiling muli ang mga kapatid.
Paano kaya makakatulong ang misteryosang babae na si Elma (Jo Berry) para mahanap muli ang landas pabalik sa Enchanted Queendom at makuha ang powers na tatalo kay Malek (Katrina Halili)?
Balikan ang trending scene sa Daig Kayo Ng Lola Ko na tinutukan ng mga Kapuso last April 14.