GMA Logo Vince Crisostomo
PHOTO COURTESY: GMA Drama (FB)
What's on TV

Ang rebelasyon ni Tope sa 'Underage,' umani ng 1M views sa Facebook!

By Dianne Mariano
Published March 6, 2023 12:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardinal Tagle visits the UAE for Simbang Gabi
Ika-169 nga kaadlawan sang Ilonggo nga baganihan nga si Graciano Lopez Jaena, ginakomemorar
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Vince Crisostomo


Umani ng mahigit one million views sa Facebook ang eksena ng rebelasyon ni Tope Miranda (Vince Crisostomo) sa 'Underage.'

Patuloy na tinututukan ng mga manonood ang GMA Afternoon Prime series na Underage, na pinagbibidahan nina Sparkle stars Lexi Gonzales, Elijah Alejo, at Hailey Mendes.

Katunayan, umani ng mahigit one million views ang eksena ng rebelasyon ng karakter ni Kapuso actor Vince Crisostomo na si Tope Miranda dahil inilahad na siya ang tunay na pumatay kay Leo (Nikki Co).

Sa 32nd episode ng Underage, ipinakita ang nangyari noong gabing namatay si Leo sa isang park. Ipinakita na si Tope ay nasa naturang lugar din kung saan nakipagkita sina Celine, Chynna, at Carrie kay Leo.

Narinig ni Tope ang lahat ng pinag-usapan ng apat tulad ng panggagahasa ni Leo kay Chynna. Nang magharap sina Leo at Tope matapos tumama ang ulo ng una sa isang bato, matinding galit ang naramdaman ng huli dahil pinagsamantalahan ng binata ang kanyang minamahal na si Chynna. Kaya naman sinaktan niya ito at hinayaang mahulog sa ilog.

Inako naman ni Celine ang nangyaring krimen at handa niyang saluhin ang mga parusang ipapataw sa kanya para lamang hindi madamay ang mga nakababatang kapatid na sina Chynna at Carrie.

Samantala, pumunta si Tope sa police station para ibahagi ang totoong nangyari sa pagpatay kay Leo ngunit biglang mayroong tumawag sa pulis na kausap ng binata.

Hindi naman nagawang umamin ni Tope kaya lumisan ito sa police station bago pa bumalik ang kausap niyang pulis.

Hanggang kailan kaya itatago ni Tope ang katotohanan? Tutukan ang mga tumitinding tagpo sa Underage, Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m., sa GMA Afternoon Prime at sa Pinoy Hits - Channel 6 ng GMA Affordabox at GMA Now.

Mapapanood din ang Underage via Kapuso stream at sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.

Maaari ring i-stream ang full episodes nito at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.

SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG UNDERAGE SA GALLERY NA ITO.