
Sa November 25 (Miyerkules) episode ng award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Telebabad, matagumpay na nakatakas si Danaya (Sanya Lopez) mula sa pagkakabihag ng mga Etherian ngunit ang kaniyang panlabas na anyo ay siyang kay Avria (Eula Valdez).
Nang makarating si Danaya sa Lireo, sinubukan niyang ipaliwanag kay Pirena (Glaiza De Castro) kung ano ang nangyari sa kaniya ngunit bago pa siya makapagsalita ay sinumpa siya ni Ether at kinuha ang boses nito.
'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Telebabad, pagkatapos ng 24 Oras.
Balikan ang mga exciting na tagpo sa Encantadia sa video sa itaas. Maaari n'yo ring mapanood ito DITO.