What's Hot

Ang walang-kamatayang humor ni Tiya Pusit

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated September 14, 2020 5:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Shear line caused most rainfall from November to March — study
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News



Last year ay na-sideline si Tiya Pusit for a time, at slowly naman siyang bumabalik sa trabahong pinakamamahal niya.
Isa siya sa mga celebrated at respected comediennes na huli nating nabalitaang umani ng tagumpay bilang Best Actress sa 21st Star Awards last 2007 as the 'colorful' Tia Bella sa "Bahay Mo Ba 'To." Ngunit just last year siya ay na-sideline for a time, at slowly naman siyang bumabalik sa trabahong pinakamamahal niya. Text by Erick Mataverde. Photo by Mitch s. Mauricio. Nang abutan ng iGMA.tv si Tiya Pusit sa isa sa mga guest appearances niya, parang nakalimutan na niya na just recently nagkasakit siya, at bumalik agad ang kanyang nakakatawang personalidad. stars "Sa tagal kong nabakante, parang feeling ko marunong pa ba ako umarte, 'yung ganun. Oo, may takot ako dun. Actually, wala akong regular show simula nung mawala 'yung Bahay Mo Ba'To. Nagkasakit ako, eh. But now I can see you four by four!" kanyang patawang sinabi. Pero may natutunan ba siya sa kanyang mga naranasan habang siya ay nagpapagaling? Pakuwelang sinagot niya, "Una sa lahat, nagmamalaki ako na mayroon na akong senior citizen card! Pangalawa, ay alam mo kagalang-galang na ako, kahit saan na ako pumunta! Kagaya sa Quiapo, di ba 'yung pagkatapos ng Black Nazarene parade. So nasa labas ako at punong-puno 'yung simbahan. "Ako, papasok unti-unti. Nakikipila ako. Pagpasok ko hindi ko makita ang altar. Alam mo, merong kumalabit sa akin, sabi niya, "Lola, lahat ng senior sa unahan (laughs)!' 'Yung mga guard doon, nakilala naman ako. Biro mo! Proud din ako, kasi lahat ng katabi ko mga mukhang dying!" Ngunit inamin ni Tiya Pusit na kanyang nami-miss ang maging part muli ng mga regular shows: "This is my bread and butter, 'tsaka iba 'pag uma-akting ka. You will miss all the fun, the memorization. I'm just hoping na pag meroon mga bagong sitcom at teleserye—pagka nabigyan ulit ako ng pagkakataon, why not? "Noong time namin, napakaswerte ko naman. In my 30 years. Lahat sila patay [at] ako nandito pa!" Para sa mga baguhan namang mga artista, naging seryoso naman si Tiya Pusit: "Gusto ko silang kausapin, alam mo, masungit ako pagdating sa ganyan. Ibig kong sabihin, huwag ninyong lalanlangin ang isang artista. 'Artista lang 'yan eh. Wala namang ano 'yan eh, artista lang 'yan eh.' No, no, no, hindi." Dinagdagan pa niya ng kanyang sariling advice na kailangan isa-puso ng mga gustong maging sucessful sa larangan ng showbiz. "Ang artista, may puso; ang artista, may talino; ang artista, marunong makiharap sa tao; ang artista, nahahasa 'pag ginusto; ang artista kailangang mag-ipon. Importante 'yan sa baguhan, huwag lalaki ang ulo. Kasi kapag lumaki ang ulo mo, ilang taon ka lang. At higit sa lahat, tumanaw ka ng utang na loob sa lahat ng makasalubong mo 'ke fans mo 'yan o hindi," makahulugang pagtatapos ni Tiya Pusit. Alamin pa ang mga updates sa inyong mga paboritong stars by checking out the iGMA Star Profiles page. Have any updates to share? I-post 'nyo na sa iGMA Forum! Not yet a member? Register here!