Article Inside Page
Showbiz News
Unti-unti nang nakikilala bilang isang komedyante ang Brapanese hunk na si Fabio Ide dahil sa kanyang mga shows.
Unti-unti nang nakikilala bilang isang komedyante ang Brapanese hunk na si Fabio Ide. Ngayon nga ay mapapanood na mula Lunes hanggang Sabado ang binata dahil sa dalawang shows niya – ang Comedy Bar at ang bagong sitcom na Yaman Ni Lola. Text by Ayessa De La Pena. Photo by Karen de Castro.

Kapansin-pansin ang saya at tuwa sa half-Brazilian, half-Japanese young actor na si Fabio Ide nang bisitahin siya ng iGMA.tv Team sa taping ng
Comedy Bar kamakailan lamang. “Well ngayon, sobrang masaya ako kasi meron akong dalawang shows sa GMA. Iyong bago naming show ay
Yaman Ni Lola. It’s a new show. It’s a sitcom kasama si Nanette Inventor and Patricia Ysmael,” nakangiting pagkukuwento ni Fabio.
Sa
Ang Yaman Ni Lola, Fabio plays the role of Boggart, ang household help ni Lola, played by Nanette Inventor, “I play this guy – the hardinero, basurero, driver, tubero, all-around ang trabaho ko dito. Pero hindi ako bading ha. Macho macho ako. I just play the guy that’s helping everybody in the house.”
Bukod sa
Ang Yaman Ni Lola na mapapanood from Monday to Friday sa GMA, mapapanood rin si Fabio sa
Comedy Bar with Eugene Domingo and Allan K. Gaano kaya siya kasayang mapapanood na siya halos araw-araw sa GMA? “I’m really happy with everything, with the blessings to be in GMA, to be working with so many talented people. I’m so overwhelmed. I’m not expecting everything to happen. I have two shows now in GMA and two weeks from now I’m gonna start shooting for my movie,” sagot ng binata. Dagdag pa niya, ang movie raw na ito ay medyo ma-drama kaya bago ito for him, “It’s gonna be a drama. I’m really excited because everybody now looks at me as a comedian. Pero I wanna try different things too and see what happens.”
Bukod sa saya na makikita sa Brapanese actor, kapansin-pansin rin ang pagsasalita ng Tagalog ni Fabio. Pagpapaliwanag ni Fabio nang pansinin namin ito, “Meron akong teacher na nagtuturo sa akin ng Tagalog dalawang beses sa isang linggo. Everytime I try to speak Tagalog with my friends, people my age, people at work. Para mas mabilis matuto. Hopefully one year from now, I’ll be fluent in Tagalog.”
Panoorin si Fabio sa
Ang Yaman Ni Lola, weekdays after
Eat Bulaga, at sa
Comedy Bar tuwing Sabado, after
Imbestigador.
Pag-usapan si Fabio sa mas pinagandang
iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here.