GMA Logo House of Lies Kris Bernal Angel Cadao
Courtesy: Angel Cadao (TikTok), angel.cadao IG, krisbernal IG
What's on TV

Angel Cadao, nakatanggap ng papuri mula sa 'House of Lies' co-star na si Kris Bernal

By EJ Chua
Published April 24, 2026 5:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

50-anyos na si Ina Raymundo, payag kayang gumawa pa ng sexy at daring films?
Davao region pinakataas ang ekonomiya | One Mindanao
Fun, flavor, at farm-fresh inspiration, mapapanood sa 'Farm to Table'

Article Inside Page


Showbiz News

House of Lies Kris Bernal Angel Cadao


Fan din ba kayo ng mother-daughter tandem sa 'House of Lies' na sina Thea (Kris Bernal) at Ashley (Angel Cadao)?

Napahanga ng young Sparkle artist na si Angel Cadao ang kaniyang co-actor at isa sa lead stars ng House of Lies na si Kris Bernal.

Sa isang clip na makikita sa TikTok account ni Angel, mapapanood ang short pero sweet conversation nila ni Kris, ang gumaganap bilang mommy ng una sa intense drama.

Dito ay sinabi ng lead actress na hanga siya sa acting skills ni Angel.

Sabi ni Kris kay Angel, “Galing nitong batang 'to. I'm so proud of you. Suwerte ko nga magaling 'yung anak ko eh.”

Kasabay nito ay ipinaramdam din ng young actress ang paghanga niya kay Kris Bernal.

Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 230,000 views ang video ng dalawang aktres sa TikTok.

@angel_cadao It was such an honor to be working with Ms. @Kris Bernal I'm really lucky to be her daughter in “House Of Lies”🥰💕 #houseoflies #angelcadao #krisbernal #fyp ♬ original sound - Angel Cadao

Si Angel ay napapanood sa serye bilang si Ashley, ang anak ni Thea (Kris Bernal) kay Paolo (Mike Tan) na una niyang ipinaako kay Edward (Martin Del Rosario).

Samantala, sa likod ng mabigat na mga eksena sa serye, mayroong makulit na bonding moments sa set nito.

Abangan ang susunod na mga eksena sa House of Lies, ang seryeng pinagbibidahan nina Beauty Gonzalez, Mike Tan, Martin Del Rosario, at Kris Bernal.

Ipinapalabas ang serye mula Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream, at mapapanood din ito sa GMA Play.