GMA Logo angel castro
Photo by: Nherz Almo
What's Hot

Angel Castro, muntik nang mabulag dahil sa eyelash extension

By Nherz Almo
Published July 3, 2026 1:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'58th' scores major win at New Zealand's Doc Edge Festival
Chel Diokno submits counter affidavit on Manases Carpio's bank secrecy claim
Alex Eala marches to the 3rd round of Wimbledon

Article Inside Page


Showbiz News

angel castro


Angel Castro: “Konti na lang po bulag na talaga ako.”

Kapansin-pansin ang pagpikit-pikit ni Angel Castro, na tila nasisilaw rin sa ilaw, sa ginanap na media conference ng bago niyang pelikula kamakailan.

Una nang nabanggit ni Angel sa GMANetwork.com at ilang entertainment media na nagkaroon siya ng eye infection kaya para siyang nasisilaw at naduduling ang kanyang kanang mata.

Sa media conference ng Bangong Tusko 2.0 noong Martes, June 30, ipinaliwanag ng aktres na ito ay bunga ng eye infection na naranasan niya. Ang sanhi raw ng impeksiyon ay eyelash extension.

Kuwento ni Angel, “Basically, what happened was hindi po maganda ang pagkakakabit 'tapos, ang ginamit is plastic.

“Awareness na rin po sa lahat ng mga manonood kasi ang dami pong cases na nabulag dahil sa lash extension. Awareness na rin kaya ko sasabihin. Yung ginamit po sa akin is plastic eyelashes using bond, yung glue.

“Then, nakatulog po ako one time, and pagkagising ko, sobrang hapdi ng mata ko. As in burning pain. It's really, really, painful.

“So, I went to the eye doctor, nagpasundo pa ako sa friend ko, as in iyak ako nang iyak sa sobrang sakit. 'Tapos, in-X-ray po yung eye ko, yung scratch po is nasa pupil na. Nilagyan po nila ng steroids yung eye ko.”

Mabuti na lamang daw ay agad siyang nagpatingin sa doktor.

“Actually, konti na lang po bulag na talaga ako,” paglalahad ng dating Makiling actress.

Patuloy niya, “I was scared because it was really painful. Some days okay naman ang mata ko, some day babalik siya, especially in the morning when I wake up.

“The feeling is parang nasusunog yung mata ko, muntik na talaga akong mabulag. May mga days na okay, pero hanggang ngayon po may days na gumigising ako na sobrang hapdi po ng mga mata ko.”

Related gallery: Celebrities who had health concerns

Sa ngayon, naghihintay na lamang daw si Angel para sa operasyon ng kanyang mata. Hindi pa raw siya maaaring sumailalim rito dahil mataas ang kanyang uric acid.

“May remedy naman siya, kaso may downtime. Bale, kailangan ko pong mag-avoid ng lights for three months if I can get the operation. I already took tests. I can't get the operation because mataasa po ang uric acid ko. I just forgot the connection of it.

“So, sabi po ng Asian Eye Institute, if I have issues with my kidney, I cannot proceed with the operation yet,” pagtatapos niya.

Unang nakilala si Angel bilang Claire. Nagdesisyon daw siyang magpalit ng screen name dahil kapangalan niya ang Presidential Communications Officer.

"If you search for my name [online], hindi makikita yung mga stint ko sa GMA, yung mga work ko natabunan po. So, I changed it to my real name, which is Angelica," paliwanag niya.

Related gallery: Claire Castro's sexy photos that show why she's being tagged as 'Pantasya ng Bayan'