
Puno ng emosyon at kasiyahan si Drag Race Philippines Season 3 contestant Angel Galang matapos koronahan bilang 4th runner-up ng Miss Quiapo Tourism 2026.
Sa kanyang Instagram, taos-pusong nagpasalamat si Angel sa hindi malilimutang karanasan niya sa nagdaang Miss Gay Quiapo.
“Sa totoong buhay lang, gusto ko lang talagang ma-experience sumali, pero pinadama sakin ng Quiapo kung ano ang pakiramdam ng manalo,” sabi ni Angel.
Dagdag pa niya, “Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa suportang ibinigay niyo [akin].”
Ikinuwento ng drag icon na ito ang kanyang pinakaunang beses na sumali sa isang malaking pageant, na tinawag niyang “isang pangarap na matagal ko nang dala-dala at pinangakuan kong susubukan ko.”
“At heto ako ngayon. May suot na korona. Pakiramdam ko ako ang nag-title,” pahayag niya.
Nagpasalamat din siya sa mga tao sa likod ng kanyang tagumpay, lalo na sa kanyang team, pamilya, at iba pang drag queens.
“Maraming salamat sa aking team, drag sisters and mother, co-candidates, judges, supporters, at kay Poong Nazareno. Salamat din kay mama @patrick_isorena at daddy @leoalmodal sa aking mga looks,” aniya. “At sa hair stylist kong super sweet @bryan.roquino.”
Hindi rin niya nalimutang pasalamatan ang kanyang kapatid at kapwa drag performer na si Maxie Andreison, o kilala bilang Jayvhot G, sa walang sawang paniniwala sa kanya.
“Simula pa lang ito. Maraming salamat sa inyong lahat,” sulat niya.
Ilan sa mga nanood sa Miss Gay Quiapo pageant ay sina Unkabogable Star Vice Ganda, Miss Grand International Emma Tiglao, at Miss Earth Philippines Joy Barcoma.
RELATED GALLERY: Year in Review 2024: Filipino drag queens who made noise