
Maliban sa mundo ng Encantadia, may isa pang mundong gustong pasukin ang Sang'gre stars na sina Angel Guardian at Ashley Rivera at iyon ay ang Bahay ni Kuya.
Sa isang exclusive interview ng GMA Network.com, ibinahagi nina Angel at Ashley na sila ay fan ng Pinoy Big Brother at kung bibigyan ng pagkakataon ay willing silang sumali sa naturang reality show.
"Actually, nanaginip ako na nasa PBB house ako. No joke, like ang weird pero I don't know why pero feel ko kasi nag-usap kami ng friend ko about it pero why not 'di ba?" sabi ni Angel.
Alam daw ni Angel kung gaano kahirap sa loob ng Bahay ni Kuya dahil ilang buwan na hindi makakausap ang kanyang mga mahal sa buhay.
Ngunit, dagdag nito, "Pero gusto ko, why not."
Samantala, si Ashley naman ay game na game kahit anong mangyari dahil matagal na nitong pangarap ang makasali sa PBB.
"Ayun na nga, kulang na lang na ako na 'yung kumatok doon sa Bahay ni Kuya. Kuya, papasukin n'yo po ako at pangarap ko maging housemate," sabi ni Ashley.
Hiling nito na sana ay mapagbigyan siya na makasali sa reality show.
Aniya, "So, sana mapagbigyan ako pero kung hindi, okay lang din, na-accept ko naman na so, we'll see, hopefully, sana ma-consider ako ni Kuya."
Masusubaybayan sina Angel at Ashley sa Encantadia Chronicles: Sang'gre. Si Angel ay gumaganap bilang Sang'gre Deia samantala si Ashley naman ay ang Batis ng Katotohanan.
Mapapanood ang Sang'gre tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
Samantala, tingnan dito ang stylish looks ng Sang'gre stars sa GMA Gala 2025: