
Time out muna sa pakikipaglaban ang new-gen Sang'gres na sina Angel Guardian at Bianca Umali para makisaya sa fun noontime program na It's Showtime!
Ngayong Miyerkules (September 17), game na game nakipaglaro ang dalawang Kapuso stars sa segment na "Laro, Laro, Pick!" bilang players ng madlang people. Ang kanilang misyon, makaabot sa final round at manalo ng tumataginting na PhP600,000!
"What's up madlang people!" masayang bati ni Angel.
"Maraming salamat po It's Showtime for having us dito," dagdag ni Bianca.
Maswerte agad ang Sang'gre stars matapos makalusot sa first at second round, kung saan sinubok ang kanilang swerte at kaalaman sa kulturang Pinoy.
"Magbigay ng mga kababalaghang nilalang o mythical creatures sa Pilipinas ayon sa artikulong Filipino mythology for Beginners ng Kollective Hustle.com," sabi ni Jhong Hilario.
"Duwende," sagot ni Angel na kaagad nakapasok sa next round.
"Anito," hirit naman ni Bianca na tama rin.
Ngunit sa "You Gotta Lyric" round, sumablay ang galing at swerte ng Kapuso stars.
Sa kantang "Mula Sa Puso" ni Zsa Zsa Padilla, tila na-pressure sina Angel at Bianca. Ngunit ikinatawa ng madlang people at hosts kung paano sila confident kantahin ang maling lyrics.
"Hanggan is wrong!" hirit ni Jhong kay Angel.
"Pumapalakpak pa ang madlang people sinasabi 'Yaay!'"
"Akala ko rin tama ako, e," banter ng Kapuso aktres.
Marami ulit ang napangiti nang si Bianca naman ang kumanta ng maling sagot.
"Ay tunay ngang mahal?" tanong ni Bianca sa sumisigaw na audience.
"Kinakabahan ako, e!" dagdag niya. "Sabihin n'yo na. Mali ba?"
Asar ni Jhong kay Bianca, " Feel na feel ni Bianca, e."
"Tinotono niya e. Tinotono pa niya, e," dagdag ni Vhong Navarro.
"Sabihin n'yo na. Mali ba?" tanong ulit ni Bianca.
"Ano sa tingin mo?" banter ni Vhong.
"Mali," sagot ng Kapuso star na natawa ang lahat.
Sa huli, ang contestant na si Nanay Annie ang nakapasok sa final round at naiuwi ang PhP40,000.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
Samantala, mapapanood sina Angel Guardian at Bianca Umali sa GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Samantala, balikan ang iba pang Kapuso stars na nakipag kulitan sa It's Showtime, rito: