GMA Logo Angel Guardian, Kelvin Miranda
Photo by: itsangelguardian (FB)
Celebrity Life

Angel Guardian at Kelvin Miranda, nagpakilig sa isang cute challenge

By Kristine Kang
Published November 30, 2025 11:30 AM PHT

Around GMA

Around GMA

4 katao na sakay ng MPV, patay matapos mabangga ng trailer truck sa Isabela
GMA Pinoy TV Champions Global Filipino Entrepreneurship at the 18th PHILSME Expo
Itayo ang bandera ng mga Uragon! | Farm To Table

Article Inside Page


Showbiz News

Angel Guardian, Kelvin Miranda


Tila masaya muli ang puso nina Sang'gre Adamus at Deia!

Kilig overload ang hatid nina Angel Guardian at Kelvin Miranda para sa kanilang fans.

Sa isang recent post, sinorpresa ni Angel ang lahat sa isang video kasama ang Kapuso actor.

Bihis sa kanilang war costume, makikitang matamis na nagtitigan ang dalawa. Maya-maya pa ay masaya nilang ginawa ang challenge, na may halatang chemistry pa rin sa pagitan nila.

"Deia at Adamus pagkatapos mag-away," sulat ni Angel sa captions.

Agad na pumatok ang naturang video, na umabot na sa mahigit 1.6 million views sa Facebook. Marami rin sa fans ang hindi mapigilang kiligin at nag-react sa comments.

Isa ring kilig moment ito para sa viewers, lalo na matapos magalit si Sang'gre Deia kay Adamus dahil sa aksidenteng pagpaslang nito sa kanyang inang si Olgana (Bianca Manalo).

Sa current storyline, patuloy na tinatangi ni Adamus si Deia habang nagsasama ang dalawa para sa kanilang bagong misyon laban kay Gargan (Tom Rodriguez).

Patuloy na subaybayan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV. Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa Facebook at YouTube. Available din ang full episodes sa GMANetwork.com.

Samantala, kabilang ang superserye sa nominees ng GMANetwork.com Awards 2025 bilang Kapuso Daytime and Primetime Drama Series of the Year.

Mag-log in sa www.gmanetwork.com/polls at iboto ang iyong favorite Kapuso stars at shows.

Maaaring bumoto hanggang December 28 at iaanunsyo ang winners sa Kapuso New Year Countdown to 2026 ngayong December 31.

Balikan ang mga dapat abangan sa bagong misyon ng mga Sang'gre sa gallery na ito: