
Paano nga ba umibig, masaktan at mag-move on ang kabataan ngayon?
'Yan ang kuwento na tampok sa special mini-series na Ok Ako sa darating na September 15 kung saan bibida ang Sparkle love team nina Angel Guardian at Kokoy De Santos.
Gaganap si Kokoy bilang James at si Angel ay ipo-portray ang karakter ni Irene sa second episode na pinamagatan na 'Hearts, Breaks, and Heartbreaks.'
Makakasama rin ng GeKoy sa episode ng Ok Ako sina Tanya Ramos at Kristen Gonzales.
Dapat din tutukan ang performance ng spoken word artists na sina Mark Ghosn at Maimai Castillo.
Heto ang pasilip sa second episode ng mini-series na special collaboration ng GMA Network at National Council for Children's Television (NCCT) sa darating na Linggo sa oras na 2:00 pm.
RELATED CONTENT: MORE TRIVIA ON GEKOY