
Sina Kapuso star Angel Guardian at model-actress Mika Reins ang bibida sa bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Sa episode na pinamagatang "Tailored for You," gaganap si Angel bilang masipag na mananahing si Elena, habang si Mika naman ay ang influencer at bride-to-be na si Annika.
Kahit na "bridezilla" si Annika, papayag si Elena na gawan siya ng gown sa pag-asang mabigyan ng exposure ang maliit na tailoring shop na minana niya mula sa kanyang nanay.
Kakayanin kaya ni Elena ang lahat ng demands ni Annika? Matapos kaya niya ang wedding dress nito?
SILIPIN ANG MGA EKSENA SA EPISODE DITO:Huwag palampasin ang bagong episode na "Tailored for You," September 7, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.