What's Hot

Angel Guardian, first time maging bahagi ng isang musical film

By Marah Ruiz
Published October 25, 2025 2:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - DSWD, LTFRB joint press conference (Mar. 30, 2026) | GMA Integrated News
A Reflective Holy Week with GMA Pinoy TV Beginning March 30
Happy ToGetHer: Julian, nahanap ang tunay na pamilya ni TGirl! (YouLOL)

Article Inside Page


Showbiz News

Angel Guardian


Masaya si Angel Guardian na maging bahagi ng musical film na 'The Heart of Music'.

For the first time, bahagi si Kapuso actress Angel Guardian ng isang musical film.

Napasabak daw sa kantahan si Angel bilang cast ng musical family drama na The Heart of Music.

"Excited ako, actually, na mapanood kasi first time ko gumawa ng ganito. Alam ko na 'yung naririnig n'yong music, parang may shino-showcase sila ng mga songs na kinakanta natin noong bata pa tayo para ma-share 'yun sa mga generation. Nakakatuwa," pahayag niya.

Source: iamgladysreye (IG)

Bida naman sa pelikula si Cruz vs. Cruz star Gladys Reyes na first time din sumabak sa isang musical.

"My first musical and light drama, ibang-ibang ako. Ibang-ibang Gladys, nasanay silang nakikitang nakikipagbugbugan ako sa Cruz vs. Cruz. Maraming salamat po pala sa napakagandang pagtanggap n'yo po sa amin sa Cruz vs. Cruz," lahad ni Gladys.

Nagpapasalamat din siya sa suporta ng kanyang Cruz vs. Cruz co-stars na sina Neil Ryan Sese, Lexi Gonzales, Gilette Sandico na pumunta sa premiere ng pelikula.

"Overwhelmign din kasi 'yung support sa akin ng aking Cruz vs. Cruz family, they're here. Nandito si Manuel. Sabi ko na nga ba Manuel, mahal mo talaga ako," biro ni Gladys patungkol sa karakter ni Neil na estranged husband niya sa serye.

Bahagi rin ng The Heart of Music ang isa pa nilang Cruz vs. Cruz co-star na si Elijah Alejo.

"Nagte-theater ako, 'tapos to do it sa big screen na makikita ng lahat, it's so fulfilling," pahayag ni Elijah.

First time din ni Kapuso actor Jon Lucas na maging bahagi ng musical film kaya malaki ang pasasalamat niya.

"Dahil sobrang nagandahan po ako sa istorya, tinaggap ako ng producer, ng direktor bilang cast po dito kahit hindi ako sobrang singer, so 100%, binigay ko po 'yung best ko dito sa movie po na 'to," lahad ni Jon.

Bukod sa kanila, bibida rin sa The Heart of Music ang veteran theater actors na sina Robert Seña at Isay Alvarez.

Panoorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras sa video sa itaas.