GMA Logo Encantadia Chronicles Sanggre stars Angel Guardian and Rhian Ramos
What's on TV

Angel Guardian, hindi pinadaya ang sampal kay Rhian Ramos sa eksena nila sa 'Sang'gre'

By Aimee Anoc
Published September 18, 2025 5:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OCD urges extra precautions in Albay amid storm Ada and Mayon unrest
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

Encantadia Chronicles Sanggre stars Angel Guardian and Rhian Ramos


Kumusta kaya ang experience ni Angel Guardian nang masampal ni Kera Mitena, na ginagampanan ni Rhian Ramos, sa 'Sang'gre'?

Ni-reveal ni Angel Guardian na siya mismo ang nagpasampal kay Rhian Ramos sa confrontation scene nina Deia at Mitena sa ika-64 episode ng Encantadia Chronicles: Sang'gre na napanood noong September 11.

Sa nasabing eksena, naging mapangahas si Deia (Angel) sa pagsagot kay Kera Mitena (Rhian) nang tuluyan nitong isinara ang lagusan sa Adamya patungong mundo ng mga tao.

Hindi pinakinggan ni Mitena ang pagmamakaawa sa kanya ni Deia na huwag isara ang lagusan dahil hindi pa bumabalik ang kanyang inang si Olgana (Bianca Manalo) na nasa mundo ng mga tao.

Dahil sa masasakit na sinabi ni Deia ay sinampal siya ni Mitena.

Kuwento ni Angel Guardian sa pagbisita sa Unang Hirit, ayaw siyang sampalin ni Rhian sa confrontation scene na ito.

"To be honest nu'ng ginagawa namin 'yon, ayaw talaga akong sampalin ni Rhian kasi raw naaawa siya sa mukha ko, parang 'di n'ya raw ako masampal," sabi ni Angel.

"Sabi ko, 'Please, sampalin mo na ako. Don't worry. Okay lang," dagdag niya.

Nang tanungin kung nakailang take ang sampal sa kanya ni Rhian, sagot niya, "Parang isang take lang yata 'yon."

Samantala sa Sang'gre, kasama na ni Deia sa Asilades ang kapwa niya itinakdang tagapangalaga ng mga Brilyante na sina Terra (Bianca Umali), Adamus (Kelvin Miranda), at Flamarra (Faith Da Silva).

Patuloy na subaybayan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

MAS KILALANIN SI ANGEL GUARDIAN SA GALLERY NA ITO: