
Sa prequel ng award-winning Kapuso sitcom na Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento, mas nakilala ng mga tao sina Pepito at Elsa noong teenage years nila sa Caniogan--gumanap si Sef Cadayona bilang Pitoy at si Mikee Quintos naman ang napili na gumanap na young Elsa.
Ipinortray naman ni Angel si Beth na classmate ng dalawa noong '80s.
Aniya, “Masaya nung Unang Kuwento, ito, sa set pa lang puro komedyante ang mga tao.
“Talagang lagi, puro tawanan, hagalpakan lang maririnig mo. Tsaka light lang po 'yung atake. And ako nerd, nerd ako [bilang Beth] doon. So alam mo 'yun, mga high school students lang na kilig-kiligan lang nakakatuwa lang.
Humanga rin si Angel sa skills ng art department ng show dahil pinaramdam daw ng mga ito kahit sa props, kung paano mabuhay noong '80s.
Saad niya, “Tsaka ang galing po kasi nung set, nung art dept [department], talagang ['yung mga props], kahit 'yung mga notebook namin sa school, 'yung mga cover [mga artista nakalagay].”
Samantala, kasama naman si Angel Guardian sa hit reality show na Running Man Philippines na patuloy gumagawa ng ingay online at nakapagtatala ng mataas na ratings.
Taos-puso naman ang pasasalamat ng dalaga sa pagtutok sa kanila ng mga Kapuso tuwing weekend primetime.
“Nakakataba ng puso 'yung pagsuporta nung mga tao, kasi parang 'yun na 'yung balik sa lahat ng pagod namin and alam ko po pare-parehas po kami ng nararamdaman na tuwing nakikita namin kung gaano karami 'yung nanonood at sumusuporta.”
BALIKAN ANG BONDING MOMENTS NG CAST NG PEPITO MANALOTO: ANG UNANG KUWENTO: