
Makikisaya ang new-gen Sang'gres na sina Angel Guardian, Kelvin Miranda, at Faith Da Silva sa inaabangang taunang flower festival ng summer capital of the Philippines, ang Panagbenga Festival ng Baguio City.
Abangan sina Angel, Kelvin, at Faith ngayong Sabado, February 28, sa Brgy. Upper Dagsian covered court, 3:00 p.m., at Brgy. Scout Barrio covered court, 4:00 p.m.
Ngayong 2026, ipinagdiriwang ang ika-30 taon ng Panagbenga Festival na may temang "Blooming Without End."
Sa Sabado, kasabay ng pagbisita ng new-gen Sang'gres sa Baguio City, gaganapin ang Panagbenga Grand Street Dance Parade.
Samantala, patuloy na suportahan at subaybayan sina Angel, Kelvin, at Faith sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Related content: