GMA Logo Angel Guardian
What's Hot

Angel Guardian, lumaki sa isang broken family; emosyonal nang ikuwento ang ama

By Aimee Anoc
Published December 6, 2025 11:29 AM PHT
Updated December 6, 2025 11:34 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NCAA: Vanessa Sarie, CJ Dominguito cop last POW honors in Season 101 volleyball
Hidlyn Diaz's manager Noel Ferrer releases another statement on 'free fuel for life' issue
P95M shabu seized, alleged drug courier nabbed in Surigao City

Article Inside Page


Showbiz News

Angel Guardian


"At that point in my life, na nakita kong for the first time nag-dinner kami together, the three of us. Until now sobrang vibrant nun sa akin... I was hoping na kung pwede 'to i-freeze." - Angel Guardian

Hindi napigilan ni Sang'gre actress Angel Guardian na maging emosyonal nang ikuwento kung paanong lumaki siya sa isang broken family at ang moment na makita sa unang pagkakataon na magkasama ang kanyang mga magulang.

Sa ikalawang episode ng "Chapters by Sparkle," ibinahagi ni Angel na bata pa lamang siya noong maghiwalay ang kanyang ina at ama, at naaalala niya lamang na kinakausap ang ama noon sa pamamagitan ng phone calls.

"Hindi kasi okay 'yung mom and dad ko growing up. Like, maaga silang nag-separate. Nakakausap ko 'yung dad ko through phone calls pa, pero malabo sa akin, hindi ko rin siya naiintindihan," kuwento ni Angel.

Pero, ani Angel, sa kabila nito ay masaya siya sa pagmamahal na ipinaramdam sa kanya ng ina.

"One thing na I'm happy about is 'yung mom ko sure ako na na-fulfill niya 'yung pagkukulang, 'yung gap sa dad ko. Kasi hindi ako naging longing or as longing katulad nung ibang mga bata or mga classmate ko na naririnig ko 'pag Father's Day na hoping sila na sana 'yung dad nila dumating.

"Pero ako, never siyang pumasok sa utak ko hanggang sa medyo naiintindihan ko na rin mga 10. Doon lang ako nagkaroon ng interest na alamin."

Kuwento pa ni Angel, hindi niya naiwasan noon na magalit sa ina nang malaman na sinusubukan palang maayos pa ng ama ang kanilang pamilya pero ayaw na ng kanyang ina.

"For 10 years pinipilit niya palang ayusin, 'yung mom ko ayaw na pala. Nagalit din ako sa mom ko nu'ng nasa Hong Kong kami that time kasi nga may chance palang mabuo pero hindi nangyari.

"Na-feel ko 'yon na mayroon naman palang chance na maayos na magkaroon ako ng buong family, which at that age and at that point in my life, na nakita kong for the first time nag-dinner kami together, the three of us.

Ayon kay Angel, hindi niya malilimutan ang moment na iyon na makasamang pareho ang mga magulang at makitang magkasama ang kanyang ina at ama.

"Sini-serve-an ng dad ko ng food 'yung mom ko sa table. Until now sobrang vibrant nun sa akin. Like, kapag binabalikan ko siya, sobrang linaw. Alalang-alala ko 'yung detalye. And noong moment na 'yon, I was hoping na kung pwede 'to i-freeze," naluluhang pagdedetalye ni Angel sa moment na iyon ng kanyang pamilya.

Naluluhang ikinuwento rin ni Angel ang unang pagkakataon na nakita niya ang mga kapatid sa ama.

"Sinama ako ng dad ko, na-meet ko 'yung stepmom ko and 'yung siblings ko. Maliliit pa, babae't lalaki. Sobrang love ko sila. Nu'ng nakita ko sila kung paano sila yumakap kay papa, lahat ng prayers ko, the day before that, binawi ko talaga.

"And sa tingin ko, nu'ng time na 'yon, I don't say na I fully matured pero nag-mature ako nang kaunti, nag-decide ako for someone else's happiness dahil alam ko na 'yung pakiramdam and ayokong maramdaman iyon ng dalawang bata, ng dalawang kapatid ko."

Panoorin ang buong interview ni Angel Guardian sa "Chapters by Sparkle" sa video na ito:

SAMANTALA, MAS KILALANIN SI ANGEL GUARDIAN SA GALLERY NA ITO: