
Kakaibang challenge ang hinarap ng Running Man Philippines stars na sina Angel Guardian at Lexi Gonzales nang ipatawag sila ng House of Honorables ngayong Sabado, August 30.
Sumalang ang dalawa sa session nina Chariz Solomon at Buboy Villar na tinawag na "In Aid of Marrying Early: For Better or for Worse", kung saan inilahad nila ang kanilang opinyong tungkol sa pagpapakasal.
Para sa Ultimate Runner na si Angel Guardian, binigyan diin niya sa Your Honor na napakahalaga ang pagiging "financially" and "mentally" stable before settling down.
Lahad niya sa House of Honorables, “Ngayon sa generation natin ngayon, kung mapapansin mo Medyo iba na 'yung pananaw nila sa pagpapakasal nang maaga. Kaya nag-iba na rin 'yung statistics ngayong 28 to 30 na 'diba? Pero, ideally it's 25. And I think, kung ako siguro kung sa estado ng buhay ko ngayon, e, okay na ako financially, mentally. Feeling ko magse-settle down na ako, like may ganun na 'ko.”
Kaya naman sa edad niya ngayon na 26 years old, hindi pa niya nakikita ang sarili na magpakasal dahil may mga priorities pa siya na gustong gawin.
“Pero ngayon, hindi pa kasi ang dami ko pang priorities na ibang bagay na gusto ko pang gawin. Like what you said [saying to Chariz] 'di ba, na-realize mo na ang dami mo pala hindi na-experience, because you married or commit early. And minsan kapag nagpapakasal ka ng maaga I guess 'yun 'yung nagiging isyu rin, kasi, yes masaya na kasama mo partner mo or 'yung soulmate mo, growing together.” ani Angel.
Dagdag niya, “Pero may mga changes pa e in your 20s, sobrang dami mo pang gustong i-explore like career changes, tapos 'yun 'yung nagiging problem n'yo. Minsan, hindi na kayo nagko-connect or hindi na n'yo na napapagusapan ng maayos and that leads to breaking up or divorce.”
Ano naman kaya ang opinyon ni Lexi Gonzales on people marrying in their 20s?
Alamin sa session ng Your Honor sa video below!
RELATED CONTENT: Showbiz journey of Angel Guardian and Lexi Gonzales