
Lalong mapapakapit ang viewers at fans ng hit GMA Prime series na Encantadia Chronicles: Sangˈgre sa mga susunod na mangyayari.
This week, talagang pinagusapan ang pagpanaw ni Hara Pirena played by Glaiza De Castro at maraming espekulasyon sa mga die-hard Encantadiks sa magiging takbo ng istorya.
Sa panayam ni Angel Guardian sa 24 Oras na gumaganap bilang Deia, may sinabi ito tungkol sa mga aabangan sa kanilang hit series.
Aniya, “Kailangan talaga magsama-sama ng mga Sangˈgre para mabuo o maprotektahan ang Encantadia. Ano nga ba ang isang brilyante kung wala ang tatlo. So, maraming mangyayari, but it's part of the story.
“So sana sabay-sabay pa rin at tuluy-tuloy kumapit ang mga tao dahil kahit may mabibigat at malulungkot na pangyayari. Meron at meron pa rin po patutunguhan 'yun.”
Recently, umattend sa red-carpet premiere si Angel ng pelikula niya na The Heart of Music at talagang looking forward siya na makita ng mga manonood ang ibang side niya bilang isang artist.
Sabi niya sa Chika Minute, “Excited actually na mapanood, kasi dahil nga first-time ko gumawa nito and 'yung naririnig n'yo music parang may shino-showcase sila na mga song na kinakanta natin nung bata pa tayo, para ma-share sa mga generation nakakatuwa.”
RELATED CONTENT: Meet 'Sang'gre' actress Angel Guardian