GMA Logo Angel Guardian
What's Hot

Angel Guardian, pinangarap na maging gospel singer; naniniwalang kalooban ng Diyos ang pag-aartista

By Aimee Anoc
Published December 6, 2025 12:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Kevin Durant 8th to 31,000 points as Rockets sink Suns
#WilmaPH spotted over coastal waters of Sulat, Eastern Samar
This family weekend workshop features experts to elevate Filipinos' kitchen and dining holiday traditions

Article Inside Page


Showbiz News

Angel Guardian


"Pangarap ko lang dati na maging gospel singer, 'yon lang talaga 'yung gusto ko. Ayoko mag-artista." - Angel Guardian

Bago pa man pasukin ang showbiz, pinangarap noon ni Sang'gre actress Angel Guardian na maging gospel singer.

Kamakailan lamang nang ipamalas ni Angel ang talento sa pag-awit nang kantahin ang Encantadia Chronicles: Sang'gre OST na "Bagong Tadhana" sa isang concert, kung saan marami ang kanyang napabilib.

Sa ikalawang episode ng "Chapters by Sparkle," ikinuwento ni Angel na gusto niya lamang noon na maging isang gospel singer at hindi nais na mag-artista.

"Pangarap ko lang dati na maging gospel singer, 'yon lang talaga 'yung gusto ko. Ayoko mag-artista," sabi ng aktres.

Kuwento ni Angel, pinasok niya ang pag-aartista dahil "walang ibang choice." Dagdag pa sa kanyang desisyon na may karanasan na rin siya noong bata sa pagmomodelo.

"Actually, the second time around more of dahil wala akong ibang choice, sa madaling salita. Kasi ito na 'yung time na tumayo na ako sa sarili kong paa, and nag-isip ako ng paraan.

"Syempre, unang pumasok sa isip ko 'yong pag-aartista kasi iyon 'yung something na nagawa ko na before. Na feeling ko naman kung pipilitin ko or kung susubukan ko kaya ko naman. And, I think binigay naman ni Lord, that's why I'm here."

Ayon kay Angel, mas nae-enjoy na niya ngayon ang napiling craft at mas naiintindihan na ang arts at acting.

Panoorin ang buong interview ni Angel Guardian sa "Chapters by Sparkle" sa video na ito:

SAMANTALA, MAS KILALANIN SI ANGEL GUARDIAN SA GALLERY NA ITO: