
Aminado si Angel Guardian na natatakot siya na ma-disappoint ang Encantadiks sa pinagbibidahang fantaserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Sa interview sa Fast Talk with Boy Abunda noong Martes (December 9), tinanong ng King of Talk ang Sang'gre actress kung naaapektuhan ba siya ng mga komento ng netizens lalo na at talagang nakatutok ang marami sa show, maging kung natatakot ba siya na ma-disappoint ang Encantadiks.
"Yes po," sagot ni Angel. "Opo, of course. Umpisa pa lang, iyon po talaga 'yung parang nakakatakot na mangyari, 'yung ma-disappoint sila.
"Pero ako po now na medyo matagal na rin po naming ginagawa ang Encantadia, basta alam ko sa sarili ko na binigay ko 'yung best ko, pinaghandaan ko 'to, at binuhos ko lahat, wala na po akong magagawa kung ano ang masasabi pa ng mga tao."
Nang tanungin kung iniisip din ba niya ang ratings ng show, sagot ni Angel, "Nu'ng nalaman ko na Encantadia 'yung susundan namin, of course, for me it matters na tatangkilikin ba 'to ng mga tao, the same na tinangkilik nila 'yong 2005 and 2016."
Dagdag pa ni Angel, dahil din dito kung bakit hindi niya naiwasang makaramdam ng pressure. Aniya, "And, it's partly why you get pressured with the project because of the ratings."
Sa dami ng opinyon tungkol sa show at sa kanya mismong performance, ani Angel, hangga't kanyang makakaya ay sinusubukan niyang pakinggan ang sarili.
"As much as I could, lagi kong tina-try na pakinggan 'yung boses ko rin. Kasi minsan it gets too noisy na sometimes we forget na importante rin na hindi mo nakakalimutan 'yung opinyon mo para sa sarili mo.
"Kasi sobrang daming comments, may positive, may negative. And, sometimes we get to celebrate it so much when we read something positive, but then, you read negative comments, and then you feel down."
Subaybayan si Angel Guardian bilang Deia sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
SAMANTALA, MAS KILALANIN SI ANGEL GUARDIAN SA GALLERY NA ITO: