
Kinilala ang husay ni Angel Guardian bilang isang actress sa 11th Platinum Stallion National Media Awards 2026 ng Trinity University of Asia.
Naiuwi ni Angel ang Best Primetime Drama Series Actress award para sa kanyang natatanging pagganap sa Encantadia Chronicles: Sang'gre. Sa hit fantaserye, gumaganap siya bilang Deia, ang bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Hangin.
Sa kanyang Instagram story, ibinahagi ng aktres ang pagkilalang natanggap. Sulat niya, "Maraming salamat po!"
Samantala, naiuwi naman ni Kelvin Miranda ang Best Primetime Drama Series Actor award para sa husay na ipinamalas bilang Adamus sa Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Bukod kina Angel at Kelvin, wagi rin si Rhian Ramos bilang TV Actress of the Year para sa kanyang role bilang Mitena sa Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Congratulations, Encantadia Chronicles: Sang'gre stars!
Subaybayan sina Angel, Kelvin, at Rhian sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
MAS KILALANIN SI ANGEL GUARDIAN SA GALLERY NA ITO: