GMA Logo Angel Locsin
What's Hot

Angel Locsin, sinagot ang netizen na nagsabing gumamit sila ng COVID-19 test kits

By Maine Aquino
Published April 29, 2020 12:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Angel Locsin


Alamin ang sagot ni Angel Locsin sa netizen na nagsabing gumamit sila ni Neil Arce ng limitadong supply ng COVID-19 test kits.

Nag-negative sa COVID-19 si Angel Locsin at fiancé nito na si Neil Arce.

Ngunit ang balitang ay ito ay nakatanggap naman ng negative comment mula sa isang netizen.

Ayon sa post nito, kulang na umano ang test kits para sa COVID-19 ay gumamit pa ang engaged celebrity couple.

Agad naman itong pinaliwanagan ni Angel.

Ani Angel, pera nila mismo ang kanilang ginamit para sa pagbili ng test kits.

Nilinaw rin ng aktres na ginawa nila ito dahil sa dami ng beses nilang na-expose sa virus. Ito umano ay para rin sa ikabubuti ng kanilang mga kasamahan.

Angel Locsin sinagot ang netizen tungkol sa paggamit ng test kits para sa COVID-19
Angel Locsin sinagot ang netizen tungkol sa paggamit ng test kits para sa COVID-19


Si Angel ay bumuo ng fundraiser na #UniTENTweStandPH para sa health workers pati na rin sa mga COVID-19 patients.

Angel Locsin provides air-conditioned, well-sanitized sleeping tents for health workers

Angel Locsin explains why she posts her charity works on social media