
Napahirit ng matinding kilig ang viewers ng Unang Hirit nang bumisita ang Pepito Manaloto stars na sina Angel Satsumi at Jake Vargas.
Napuno ng kantiyawan sa studio ng Unang Hirit nang kumustahin nina Suzi Abrera at Kaloy Tingcungco sina Angel at John Clifford. Gumaganap si John bilang boyfriend ni Clarissa (Angel Satsumi) na si Jacob.
Sagot ni Angel, “Okay naman po, friends naman kami.”
Dagdag niya, “Actually, si Kuya Jake po 'yung 'pag sa taping, 'O bakit kayo hindi nag-uusap?' Like siya po 'yung nagpu-push, siya 'yung maingay.”
Sabat ni Jake, “Siyempre love team kayo, dapat nag-uusap kayo.”
Nasa location noon si John, pero sumama siya remotely sa interview ng Unang Hirit. Dito, nagbigay siya ng kilig message para sa kapareha niya sa Pepito Manaloto.
Sabi ng binata, “Sana okay ka lang diyan. I'm just rooting for you sa success, of course. Hopefully, more opportunities will come for you. Super happy ako na naging parte ako ng journey mo and miss na kita.”
Umamin ito na may chance na maka-developan silang dalawa.
“Puwede naman po siguro, kung lagi pa po kami magkikita, laging magkakasama. Puwede naman,” sabi ng Kapuso actress.
Sabay hirit ni Suzy kay Angel, “Naguguwapuhan ka sa kanya?”
Nahihiyang sagot ng kanilang guest, “Puwede naman.”
Sa loob ng 15 taon, parating kaakibat ng Pepito Manaloto ang pagbibigay ng televiewers ng important lesson o words of wisdom bago matapos ang episode.
Ayon kay Angel, pinapahalagahan niya ang aral na itinuturo ng sitcom lalo sa "open communication" with the whole family.
Paliwanag nito, “Ako po siguro po 'yung teamwork and communication within the family. Kasi maraming episodes na po 'yung Pepito na ang hina-highlight 'yung miscommunication, misunderstanding, na parang pinapakita po talagang importante 'yung communication with the family para maiwasan 'yung ganung problem.”
RELATED CONTENT: 15 actors who appeared on 'Pepito Manaloto'