GMA Logo angel satsumi
What's Hot

Angel Satsumi, may mensahe sa mga kaibigan na nasa 'PBB'

By Aedrianne Acar
Published October 29, 2025 4:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Barangay Ginebra piles on Rain or Shine woes, tightens grip on twice-to-beat bid
Marina Summers is grateful to have hosted MUPH 2026
Farm to Table: (May 3, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

angel satsumi


Todo ang suporta ni Angel Satsumi sa mga co-stars niya sa show na bagong housemate sa 'Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0.'

Kahit pansamantala siyang iniwang ng mga kaibigan at co-stars, excited si Angel Satsumi sa bagong journey ng co-stars niya sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento.

Kasalukuyang housemate sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0 sina Clifford, Marco Masa, at Waynona Collings.

Ang Sparkle Teen na si Clifford, nagwagi ng Best New Male TV Personality sa 37th PMPC Star Awards for Television para sa role niya bilang Jacob sa award-winning sitcom.

Sa video message ni Angel Satsumi sa Facebook, excited na makita niya ang tatlo sa Big Night ng PBB.

Aniya, “Gusto ko lang batiin 'yung mga kaibigan ko na nandiyan sa PBB sa Bahay ni Kuya- si Clifford, si Marco [Masa] tsaka si Waynona (Collings), talagang nagsabay-sabay pa kayo pumasok at iniwan n'yo ako dito.”

“Pero kidding aside goodluck sa PBB journey ninyo, huwag muna kayo lumabas, huwag n'yo ako mami-miss sa Big Night na tayo magkikita. Okay, good luck!”

Related content: 'Pepito Manaloto' star Angel Satsumi's beautiful transformation